March 17, 2009

Splurging!!!

I hate it but I love it!!!

Damn! Hindi ko na naman na-control sarili ko last sunday. Hay! Pagkagaling sa team building sa Los Banos, dumeretso agad ako nang gym. I swear. Matinding pangangailangan nang pagbabawas nang timbang. Hehe. And while working out, these two guys who have been visible in my text world and have been taking my attention lately were asking me for a meet up. I was tempted but I felt I was too fat for a meet-up kaya I refused. And yeah, that was the only reason. Hehe.

So what I did was, I called mamiko and asked her to have a lunch-out sa Festival Mall. She told me kasi that she's feeling a little sick being stucked at home kaya siya na lang pinagtuunan ko nang pansin nung sunday. Na-guilty naman ako dahil panay ang labas ko tapos siya, sa house lang. So yun lang ang plano, kumain lang, mailabas lang si mamiko, then uwi na. Wala nang iba.

After kong mag-gym, I went ahead to Festival Mall para magpakulay nang buhok. My normal brown hair. I told mamiko that we'll meet up around 2:00pm kasi tinantsa ko na ang tapos nang work-out ko pati yung pagpapakulay na inaabot nang 1 hour. Hay! Kabagot magpakulay. Buti na lang inaliw aliw ako nang staff na buntis. Binigyan ko nga nang malaking tip, which I normally don't give any pag nagpapagupit o nagpapakulay ako. Hehe.


Dumating si mamiko nang 1:30pm kasama ang cousin kong si Lissa. Excited! Sabi ko 2:00pm. So nag-ikot ikot muna sila. When I was done, mineet ko na sila sa Teriyaki Boy. Gutom na gutom na ako nun kaya umorder na agad ako. Pagkatapos namin kumain, nakakaramdam na nang pananakit nang batok si mamiko kaya I asked them to go to Healthway para magpa-check, which they did. Nilagay ko naman yung gamit nila sa sasakyan muna. Pinauna ko na sila.

Nung pasunod na ako, napadaan na ako sa mga store at doon na nagsimula ang shopping craze. Hay! Malaking temptation talaga sa akin ito. Napabili ako nang mga polo shirts (I won't tell na lang kung ilan), belt, toiletries, shorts, hair blower, underwears, at kung ano ano pa. Hay! May guilt feeling uli. Para na naman akong nagkasala pero nakangiti ako. Hehe.

At least, ready na ako for my other summer adventure (yes! binigyan ko nang justification. haha). Sakto naman nang pagkatapos kong mamili eh natapos na rin yung check up kay mamiko. Bad ko, nangibabaw si shopping kaysa sa check up ni mamiko. Hehe. Such a bad habit to break. Forgive me!!!

:)

No comments: