March 23, 2009

Puerto Galera 2009


Ayos sa title di ba. Hehe. May naaalala akong boss ko dati. Lahat nang picture niya sa friendster niya pag pumupunta siya nang Boracay, every year, eh ang title, "Boracay 2007", depende kung anong taon. Hehe. So ginaya ko lang siya. Btw, that boss is Aries. Kung may reader man akong nakakakilala sa kanya. Wahaha. I'm sure I have. Right Andrew? Hehe.

Anyways, I'm back from outer space! Este Galera last sunday, but now lang ako nagka-chance mag-blog. I had a great weekend get-away. It was also a great time with Kumander. In short, kaming dalawa lang ang tumuloy. Di na nakasama si Angel at Ash (hmpf!). But it was fun. Although we know that Galera is good for barkada, we both wanted a time for relaxation and out from our stressful world since pareho na kami nang mundong ginagalawan kaya enjoy pa din.


We went there friday morning after our shift. So dire-diretso na. Nakarating kami sa batangas pier nang 8:45am and immediately bought our boat ride fare. Hassle nga kasi ang sabi sa amin 8:45am sakto ang alis pero 10:15am na nakalarga ang bangka. Hassle di ba. Gutom pa naman na ako. Kaya mais na lang muna ang inupakan namin habang naghihintay sa terminal. Of course, influenced by Kumander at paborito niya ang mais. Hehe.


The sea travel was fine except for one bumpy moment. Btw, I'm so scared riding in a boat. Hehe. And believe me, nagpapanic talaga ako kapag may malaking alon. Praningski to the max si TL. Buti na lang talaga, medyo maayos ayos ang biyahe papunta doon compare to my past experience. Hay!


We had lunch after putting our stuff sa room that we rented. Doon na nagsimula yung aming get-away normal life adventure. Meaning, trying to live like a normal person. Yung kumakain sa tamang oras, walang ginagawa at inaasikaso, walang iniisip, puro relax, yung nanonood nang tv, namamasyal, naliligo. Things like that na hindi nangyayari kapag nasa normal world namin. In fairness, ang sarap! That was our agenda there.


Natulog muna kami after lunch kasi nga mga wala pang pahinga at galing pang work. Sabi ko kay Kumander gumising kami nang hapon nang makapag-swimming. Kaso napasarap tulog namin, past 6:00pm na kami naggising. And actually, kaya ako naggising kasi narinig ko si Kumander, binabangungot, sumisigaw nang "Huwag mo akong sundan dito!!!". Siyempre, scary di ba. Paggising, parang normal lang. Hehe. Then we went out na para mag-swim kahit medyo gabi na.


Saglit lang din kami naligo. Around 8:00pm, umahon na kami at bumalik sa room para magpalit at medyo gutom na rin kami for dinner. At sa sobrang gutom, pagkaligo, deretso sa kainan at attack sa food agad pagkahain. Hehe. Tingnan niyo, simot sarap ang masarap na chicken barbecue. Wahaha.


Pagkatapos kumain, naglakad lakad muna nang matagtag ang kinain. We checked one resto bar sa may dulo because we got caught by it's malupet club lights. We saw some crowd din kaya it urged us to check it out. Pagdating doon, hindi rin naman pala ganun kadami ang tao kaya we left na rin after.


Maya-maya, nagtrip kami ni Kumander unimon. Since hindi naman talaga ako umiinom, naisip lang namin for wala lang purposes. Hehe. Since everyone in Galera was out in the sand drinking, naki-join na rin kami sa trip of the night pero tig-isang glass lang kami nang hard drinks. I encouraged Kumander to try the famous Mindoro Sling and I just had Rum-Coke para tamang lasing lasingan mode lang. Hehe. In fairness, and as usual, tinamaan na naman ako. Hehe. What's new!


Nag-aya na akong pumunta nang room nang medyo malakas lakas na ang tama sa akin. Bumili lang kami nang snacks pampaalis tama at kapulahan ni Kumander. Haha. Para siyang nagmumurang kamatis sa pula. Hehe. Pagdating sa room, konting nood muna ako habang nagtetext si Kumander. Maya-maya, kung anong hawak ni Kumander sa phone niya habang nakahiga, ganun na ang naging pwesto niya sa pagkakatulog niya. Bagsak!!! Wahaha.

The next day, gumising kami nang maaga for a morning swim. Although naunang naggising si Kumander at naghanap nang sunrise, pagkagising ko (at naggising ako dahil kinuhanan niya ako habang natutulog), saka na kami lumarga sa buhangin. Ang sarap nang haring araw. Mega super duper photo shoot kami. What else pa ba.


After maligo, nagpamasahe kami. Hay! What a relaxing life. Ang sarap. Masahe under the sun while lying on the sand and just listening to your iPod. Woohoo. Indulgence to life's beauty. Hehe.


Nang medyo sobrang tirik na si haring araw, at nagawa na namin ang aming morning agenda (swimming, photo shoot under the sun and massage), bumalik na kami sa room para magbanlaw na. Tanghali na rin nun and it's time for our lunch.


Nagsisimula na rin dumating ang mga tao. Konti pa nung dumating kami nung friday pero saturday, dagsaan na ang katauhan mula sa iba't ibang lupalop. Hehe. Pagkaligo, napagtripan namin magphoto shoot sa loob nang room. Wala lang. trip trip lang ulit. Hehe.


Pagkatapos, lumabas na kami para maghanap nang kakainan for our lunch. Si Kumander na ang pumili. Mga "Silog" food ang napagtripan namin. Yumyum! Super rice ako the whole time in Galera. Hay! Having a normal life talaga. Ganun pala ang pakiramdam maging tao. Haha.


After, naisipan kong magpa-henna. Although isip ako nang isip kung saan ko ipalalagay, I then decided to put it in my hand. For a change naman. Lagi kasi sa biceps ko ang mga past henna ko. Wala lang.


Coot noh! Then, Kumander wanted to buy some pasalubong kaya nag-ikot ikot kami sa mga stores doon. Siya lang ang bumili. Wala ako sa mood mamili noon kasi nagawa ko na yun dati. Sawa na ang mga tao sa bahay sa mga ganung pasalubong. Buti na lang. Hehe.


Dahil tanghaling tapat na after mamili ni Kumander, bumalik na kami sa room. Hindi ko kasi kaya ang sobrang tirik nang init. Nanood lang ako nang TV habang sleeping beauty ang Kumander. Super tulog talaga di ba. Hehe. Nang nainip ako, naisipan kong magpahenna uli. Hehe. This time, sa may leeg. Si Kumander kasi, tinulugan ako.


It's a chinese encryption of my name. Coot di ba. Nakita ko kasi si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga habang nanonood ako na may ganyan siyang tattoo kaya nainggit ako. Hehe. Nang maggising si Kumander, pinakita ko sa kanya. Napa-iling na lang siya. Hehe. Niyaya ko siyang lumabas at medyo hapon na. Naglakad lakad uli kami. Nang may nakita akong mga coot na kids na nakahiga sa sand, napagtripan kong magpa-picture sa kanila. Game naman din sila eh. Coot noh!


We enjoyed the sunset, sand and beach life. Sobrang relaxing. Hindi na kami naligo. Nag-enjoy na kami masyado sa kapapanood nang mga tao, and simply doing nothing. Sarap! Nung lumubog na ang araw, nagprepare na kami for dinner time. Pero siyempre, photo trip na naman sa loob nang kuwarto. Hehe. Certified camwhores di ba!!!


Our dinner was super entertaining because of ate serbedora na ang lakas nang building rapport skills. In fairness, naaliw niya ako at napatawa nang todo todo. Inutusan nga naming kuhanan kami nang picture. Hehe.


After dinner, nanood kami ni Kumander nang Drag Show. I swear, sobrang aliw kahit nakakapagod tumayo nang matagal. It's worth it. Aliw ang mga flambouyant beauties. Ang galing sumayaw, mag-impersonate at magpatawa. I took some videos of their dance numbers.



Pagkatapos nang show, nag-aya na akong bumalik sa room. Hindi ko na feel uminom that night for a trip. Ayaw na. Hehe. Nanood na lang kami nang TV ni Kumander. Saya di ba, pumunta nang Galera para manood nang TV. Hehe. Around 10:00pm, nagsimula na kami ni Mystery Guy mag-usap sa phone. Natapos kami mga 3:00am na. Usap to the max. Hay! Kaaliw.

Naggising ako nang 7:00am. Si Kumander, as usual, naunang naggising. Kasi naman una din siyang natutulog. Hehe. Pagkagising kami, kumakalam na ang tiyan ko kaya nag-aya na akong mag-breakfast.


Pagkatapos, nag-ayos na kami nang gamit. 10:00am yung boat ride namin pabalik nang Batangas Pier. Ayoko kasi nang around after lunch at madami nang nag-uuwian nun. And of course, last picture sa loob nang boat. Hehe.

At dahil bored ako, napag-tripan ko ang isang pasahero na nalito ako kung tulog ba siya o hindi kasi nakamulat ang mata niya. But Kumander and I realized that she is asleep. Dilat lang ang mata. Haha. And the guy at her back is coot sana kaso masyadong flambouyant kumilos. Hehe. Wala lang.


Pagdating sa pier, good thing nakahanap agad kami nang aircon na bus na may mga pasahero na pabalik nang Alabang. Kaso, inabot na kami nang 1:00pm doon bago nakaalis. Hassle di ba. Pinuno talaga. And guess what, 3:00pm na kami nakarating sa Alabang. Tulog to the max na lang sa biyahe.

It was Kumander's first time to spend some time sa White Beach sa Puerto Galera, and we had so much fun. Super relax. Ang sarap nang feeling. Kaya kahit walang tulog, deretso pasok ako sa work for an 11-hour shift. At na-survive ko siya. Hehe. Kaso nangitim ako. Waaah!!! Keri lang. I'm ready for the next adventure. Woohoo! Bring it on!!!

2 comments:

sha lang ako said...

halos nakalimutan ko nang binangungot ako dito.. hayz!

Mac & Hubbee said...

haha!!!!