March 16, 2009

Losing your Senses

Tuesday, 5:40am. That was the last time nang huling ala-ala at wisyo ko kaninang umaga. Pagdating ko sa hospital, all I can remember was umupo muna ako sa lobby after I parked, sobrang lakas pa nang ulan, hilong hilo ako and that was it. Yun na ang huling naaalala ko. I was still trying to feel what was going on with my body. And then, I woke up with a doctor at my side telling me what happened.

Monday, 7:00am ako naggising para samahan si mamiko sa hospital para ipa-check yung high blood niya. I had no choice but to drive her to the hospital. It's my responsibility. I was just concerned on my schedule yesterday as I have work nang gabi pa. Sira na yung body clock ko. Pero sige lang. Para kay mamiko naman eh.

Nakauwi na kami nang hapon. Hindi na rin ako nakatulog. Buhay na buhay pa kasi yung energy ko. Hanggang sa pumasok na ako nang gabi. Dinaan ko na lang sa kain para may lakas ako buong gabi. 11 hours pa naman ang shift ko every monday. So, the whole night, I was all up and running. Sunod sunod ang meeting ko, actually the whole night, I was away from my desk. Busy mode talaga ako kagabi. So everything was normal.

Hanggang pagpatak nang 4:00am, nakaramdam ako nang gutom habang kausap ko si Hazel, talking about the budget allocation nang team building namin next week. I decided na sa Wendys na kami mag-usap habang nakain ako. Pagkatapos kumain, nagsimula na akong mag-chill. Inisip ko, dahil lang sa lamig nang aircon kaya di ko masyado pinansin. Hanggang sa inaya ko na siyang bumalik sa desk ko.

Pagbalik, nararamdaman ko nang humihina ang tibok nang puso ko. Bumababa na rin ang energy level ko. Sobrang bilis. Parang hinihigop. Nanghihina yung buong katawan ko. Inisip ko na lang, baka antok lang. Kaya pumasok ako sa conference room, doon kami nag-usap ni Hazel. Pero nung di ko na talaga kaya, dumapa na lang ako sa sahig pero sa ilalim nang lamesa para walang makakita. Binantayan ako ni Hazel at ni Ash. Sila na lang yung pinag-usap ko muna.

Hazel was a bit worried already. Nakikita na niyang iba na ang kilos ko. Although I was trying hard to hide it, pero malakas talaga ang senses ni Hazel sa akin kaya nararamdaman niya. Hinayaan niya akong maka-idlip saglit baka yun nga lang ang kailangan ko. Hanggang sa dumating si Kumander at kinukuhanan niya ako nang video. Naggising ako. She had no idea what was going on with me. Pinagti-tripan pa ako.

Bumangon na ako. Nakatulong yung power nap kahit papano. Kaso, pag-upo ko, bigla ko na naman naramdaman yung paghina. Kinabahan na ako. Akala ko kasi nung una, gutom lang kaya kumain na ako. Kaso hindi pa rin. Ang inisip ko naman, baka wala lang tulog kaya nag-nap ako. Kaso, hindi pa rin. So I decided to go to the clinic na para magpa-check. Yun din actually ang gusto ni Hazel na gawin ko. Iniwan ko na muna sila Ash.

Kaso pagdating sa elevator, biglang na lang tumulo yung blood from my nose. Nag-panic na ako. Natakot actually. Kaya sa basement na ako dumeretso para kunin si Khenzo at pumunta nang hospital. Nahihilo na ako noon pero nilakasan ko yung loob ko dahil baka kung ano ang mangyari na lang sa akin. Naisip kong magtext pagkadating sa basement kaya lang wala naman signal doon. Sabi ko, sa hospital na lang.

Ang lakas lakas nang ulan. Takot pa naman din ako sa malakas na ulan. Pero nilakasan ko na lang talaga ang loob ko. No choice na eh. Hindi na rin ako nakapag-hatak nang kasama dahil biglaan lahat. Pagdating sa hospital, kinakalma ko lang yung sarili ko. Ayaw ko talaga nang eksena. Umupo muna ako saglit sa lobby para tantsahin yung nararamdaman ko. I still remember pa nga, I even took a picture of the lobby kasi ang ganda ganda.


After, naalala kong magtext na kay Mamiko, kay boss Chi, sa assistant kong si Joy, at kay Hazel dahil baka mag-alala yun. After creating the message, doon ko na hindi maalala ang kasunod. Paggising ko na lang, nasa kama na ako, may nurse at nawalan pala ako nang malay na. Dumating yung doctor na nag-explain nang naramdaman ko at nang buong pangyayari.

Una kong tiningnan ang phone ko after to check kung na-send ko yung message. Unfortunately, hindi. And I saw 5 missed calls from Hazel and a text saying: "TL, hope you're okay. Pumunta ako nang clinic kanina, wala ka. Nag-worry ako. Text me as soon as you can ha. Magpahinga ka lang. Get well. Take some medicines if needed. Huwag papagutom. Tulog na".

Ang weird weird na talaga. Ngayon, okay na uli ako. Parang walang nangyari. Hindi ko na matantsa katawan ko. I'm doing my best naman to have a healthy lifestyle pero nangyayari pa rin lahat ito. Hay! I'm holding my faith to God. I know He's gonna take care of me. Gusto nang utak ko pumasok mamaya. Hindi ko alam. Bahala na. Hay!

1 comment:

sha lang ako said...

I didn't know that you were not feeling well that time... tsk tsk... But just to make it clear, si Hazel ang nagpakuha ng video sayo sakin.. di ko nga mapigilan pagbulalas ng tawa ko habang pinakikinggan ko paghilik mo eh..hehehe.

Anyway, I hope you'll feel better soon.