2:00am na ako nang saturday nakatulog. I was on the phone (cellphone) for 3 hours with someone, itago na lang natin sa initials na I.J. (hehe), kaya medyo late na ako nag-park sa bed ko. Gumising ako nang 6:00am para mag-gym muna bago mag-road trip escapade. Nakarating na ako sa gym at lahat, wala pa ring nagte-text na ibang kasama except kay Val. Hindi na daw siya makakasama. Hanggang sa nag-start na ako mag-cardio nang nagtext na din sina Bess at Angel na hindi na sila makakasama. Hmpf!
Hassle na kasi, gumising gising pa ako nang maaga, kung alam ko lang na di na matutuloy, natulog na lang ako nang todo-todo. Kaso naisip ko, it could be the last weekend getaway namin ni Kumander since na-promote na nga siya. Kaya I pushed for the plan kahit dalawa lang kami. Good thing, when I thought of Jhen, I then texted her. Fortunately, she was free at that time. In short, siya ang nakasama namin ni Kumander sa Tagaytay, with no agenda at all.
Nagkita kami ni Jhen nang 10:30am sa Chowking Madrigal. Can you imagine, nagwork-out ako from 7:00-10:00am. Kinarir ko since 10:30am pa kami magkikita ni Jhen. I have nothing else to do. I was left with no choice. Anyways, pagdating ni Jhen, umalis na agad kami. Sa Carmona exit na namin sinundo si Kumander since on the way naman. Actually, wala siyang idea na nag-back out na yung iba at si Jhen na ang kasama.
Na-excite na ako nung nabuo na kami. Naramdaman ko na ang matinding energy. Hehe. Maganda ang panahon at feel na feel ko ang mag-drive. Sa sobrang excited ko, papalabas na kami nang toll gate, at pagkakuha ko nang ticket, I realized na pa-manila pala yung napasukan ko. Maling way!!! Waaahh!!! Kaya mega atras kami. Pagtingin ko sa likod, wala naman masyadong naka-sunod. May parating lang na truck. So kampante lang ako.
Until I realized nung paglagpas nang truck na andami palang nakasunod na sasakyan. In short, nag-cause ako nang traffic. Haha. So funnee! Coot coot nang mga sasakyan. Pumila sila sa kadakilaan nang katangahan ni TL. Wahaha. Anyways, pagdating nang Tagaytay, lahat kami gusto nang kumain. Gutom na kami. Kaya food ang naging first itinerary namin.
We ate at Carlos Pizza. Nag-order na agad kami at sobrang gutom na, lalo na si Jhen. Habang naghihintay, konting orientation kay Kumander since she is now in the same position as Jhen and I. Actually, first time na magsama ni Jhen at Kumander sa lakad kaya memorable siya. Hehe. Pagdating nang food namin, ayy, attack na agad kami. Nagbuffalo wings sila and rice. Ako, nag-lasagna lang. I love pasta!!!
After lunch, konting lakad lakad lang on the same area pampatunaw lang nang kinain namin, at siyempre, oo na, what else do you expect, pichur pichur muna. Palalagpasin ba naman namin ang magandang view. Hehe.
Tapos, naisipan pumunta sa market para bumili nang meat, fruits and vegetables. Parehas di pa nakakapunta sa famous market nang tagaytay yung dalawa kaya dinala ko sila doon. That's the second itinerary. Kung ano lang talaga maisipan. But I got excited dahil nag-eenjoy akong pumunta sa market na yun. See our Tagaytay Market Photo Shoot. Hehe.
Tamang kulet lang kami. Kung kani-kanino kaming tindero at tindera nagpapakuha nang picture. Hehe. Meron pa nga doon, tinanong kami kung mga artista daw ba kami. Waaahh!!! Sarap bilhin nang buong tindahan niya. Haha. At tuwing nagpo-pose kami sa mga tinda nila, ang buong kapaligiran, humihinto at nakatingin sa amin. Hehe. Agaw eksena lang.
After mag-panic buying ni Jhen na impulsive pagdating sa mga pagkain, at kung ano-anong prutas, gulay, at baka na nabili namin, we decided to go to Picnic Grove na. Tapos na kami sa eating part. Tapos na rin kami sa shopping part. Sa pasyal part at matinding photo shoot naman. Hehe.
Pagkalabas sa sasakyan, yan ang una naming ginawa. Nagtata-talon na agad kami. Haha. Wala lang. Trip lang. Wala kasing masyadong tao doon sa park malapit sa open space parking. Kaya we took advantage of it. Para lang kaming super heroes di ba. Nakakalipad. Hehe. See more of our pictures:
When Kumander saw some mais, we decided to rest for awhile. Paborito niya kasi yan kaya kumain muna kami. Naimpluwensiyahan niya din kaming bumili. Actually ang sarap niya. Ang tamis. Nag-enjoy ako. Hehe. Kaya eto ang aming Mais Session. Hehe.
Habang kumakain, pinapanood namin yung mga taong nagzi-zip line. I asked Kumander and Jhen to do it also. Pumayag sila. Pero nung pumunta na kami for them to do it, P300.00 isang tao pala. One way lang. Pag balikan, P400.00 ang bayad. Umatras yung dalawa. Namahalan. Hehe. Kaya nagsimula na lang kaming mag-trek. Nakakatuwa sila dahil they are my new victims. Hehe. Nakakatuwa si Kumander. Alamin kung bakit sa video na ito:
Funnee di ba! Kailangan na talaga mag-gym ni Kumander. Haha. Hiningal talaga siya. Anyways, here are some more pictures namin, at ang iba pang "talon" series. May talon sa bridge. May talon pagkatapos nang trek. May talon pagbalik uli sa park. Hay! It's really talon everywhere. More talon for us!!! Hehe.
Kulet di ba! Walang kasawaan sa mga talon. At napansin niyo kung sino ang maraming picture sa mga talon talon namin? Walang iba kundi si Jhen! Haha. Pag sinabi mong talon, tatalon naman talaga siya. Pangarap siguro niyang maging darna nung bata pa siya. Hehe.
After namin sa Picnic Grove, we decided to go home na. It was around 5:30pm already. While on our way, ibang level nang pagod na ang naramdaman ko (dahil sa kakatalon). Hehe. Habang nagda-drive, inaantok na ako. I was already looking for a gas station para huminto muna pero wala akong nakita. Hassle! Pagdating namin sa Paseo de Sta. Rosa, biglang nagtakam si Kumander nang Ice Cream kaya nagpark muna kami.
Tama lang para maggising gising naman ako. Pagkatapos bumili ni Kumander sa Jollibee nang Ice Cream (and guess what, hindi ako bumili), inikot muna namin si Jhen doon kasi first time lang din niya sa Paseo de Sta. Rosa. Dinala namin siya sa mga depot store doon. Naaliw siya.
Pero since wala naman kaming nagustuhan bilhin, dinala ko sila sa bilihan nang Blue Rey discs na DVD (yey!). Doon kami nag-shopping. Shet! Naka-anim na DVD din ako. P400.00 din na yun. Hay! Ang gastos nang lakad namin ha!! Naka P2,000 din ako lahat lahat. Hehe. Pero enjoy naman.
Pagkatapos, nagutom na kami kaya kumain kami sa Red Ribbon. First time kong kumain doon nang mga meal nila. And I was surprised to like their meals. Ang sarap. In fairness. Sulit na rin kasi may kasamang cake na. Dessert! Pero bago sinerve yung food namin, nakatulog ako kakahintay dahil sa sobrang pagod. I felt I needed a power nap. Baka kung anong mangyari sa amin sa daan. Dakilang driver pa naman ako. Kaso etong mga kasama ko, kinuhanan ako. Hmpf!
Pagkatapos kumain, we went back to the car na. Kaso, since mabibigat pa ang mga tiyan namin, nagpatunaw muna kami saglit. Tambay muna sa cozy na parking lot doon. And since patapos na ang escapade, last hirit nang photo shoot muna. Hehe. And guess where we had it??? Eh di sa parking lot!!! Haha. See our photos:
Hinatid ko pa si Kumander sa house nila sa Carmona (first time ko), at ganun din si Jhen sa Las Pinas. Grabeng araw yun. Driving to the highest level (and jumping to the maximum level). It was fun though. Mainggit ang mga di sumipot at nang-indyan!!! Hehe. It's the start of my Summer adventures na talaga!!! Wait for my long list of get-aways. Exciting!!!
5 comments:
waaahh... grabe!!!! napasam na ko sa mga listahan ng mga biktima mo.. hehehe, buti na lang "coot" ako.
oist, nag-gym na ko kahapon ha... :p
haha. in search for more victims... hehe. huwaw! buti naman at nag-gym ka na! woohoo!!
oi plans din po namin punta tagaytay... meron po ba u masa-suggest na magandang puntahan? and which place to avoid?yung tipong di masyado ok? kasi one day lang po kami dun and with my kids pa... gusto ko sana ma-maximize ung time.
hope u can help me... thank's in advance
if with kids, i suggest you visit the picnic grove. im sure the kids will enjoy the view. there are exciting activities there like horseback riding, small trekking, and zip line. im not just sure of the ages of your kids though...
to avoid? wala naman. depende naman kasi talaga ang pasyal sa trip nang tao. tingnan mo, kahit ang market, na-eenjoy ko. mababaw kasi ako eh. Hehe.
I hope you enjoy tagaytay like i always do...
hayz... di kami natuloy last saturday... may kontra bulate... hehehe excuse my choice of words huh... thanks sa advice huh... sana matuloy na kmi... btw, i forgot to mention sa earlier comment ko. superb ung page u huh... astig... pano u nalagay pic u? add mo naman me sa ym u. aciron_yam@yahoo.com huh tenks
Post a Comment