March 16, 2009

Mamiko Moments


Inside the Car
Mamiko: Anak, anong tawag sa sasakyan natin?
TL: What do you mean?
Mamiko: Anong pangalan. Di ba Michubichi?
TL: Ha? Mitsubishi ma.
Mamiko: Hindi, Michubichi.
TL: Ma, walang "CH" sa Mitsubishi. "S" lang.
Mamiko: Hindi, mali ka!!!

* Aba, kinorek pa ako. Fine!


While walking papuntang Parking
TL: Ma, bili akong sasakyan next year
(sabay turo sa isang Fortuner na naka-park).

Mamiko: Alin? Yang Forchuner?
TL: Ma, it's Fortuner.
Mamiko: Kaya nga, yang Forchuner.
TL: Ma, walang "CH" ang Fortuner. Di mo ba nababasa.
Mamiko: Mali ka na naman. Tigas nang ulo mo!

* At kinorek na naman ako uli. At talagang mali pa daw ako ha.


After namin pumunta sa hospital kahapon
Mamiko: Buti na lang tapos na ang fasting ko. Makaka-kain na ako.
TL: Anong gusto mong kainin ma?
Mamiko: Gusto ko nang Picha Pie!
TL: Ma, Pizza means pie. Pizza lang. Hindi Pizza Pie. Redundant.
Mamiko: O sige, gusto ko nang Picha.
TL: Ma, Pizza. Walang "CH" ang Pizza.
Mamiko: Ganun na rin yun!

* Hay! Partida ha, galing pang hospital yan. Ibang level talaga nanay ko. Kaaliw. Hehe.

No comments: