February 9, 2009

Duwag!!!


Naggising ako nang maaga kanina. As in sobrang aga. Not the usual gising ko pag monday. Ang unang pumasok sa utak ko, eh mag-gym. Shet, addict na ata ako sa pagpapa-payat. Yun na nga ang ginawa ko. Nag-shower lang ako, nagbihis, nagdala nang extra shirt, kinuha ang susi nang car, ang cellphone, ang wallet at umalis na. Tinext ko na agad si manny na pupunta ako nang gym.

Pagdating doon, sinalubong ako ni trainer at sinabing may mga clients daw siya na naka-schedule. Di daw niya ako maa-assist. So okay lang. Kaya ko naman mag-work out mag-isa. Kaya nag-cardio na lang ako nang isang oras. Pagkatapos, bitin pa ako kaso nakakatamad na ang Thread Mill. So pumunta na ako sa Free Weights area to do my Abs exercise.

While doing my routine, I saw this coot guy na nagbubuhat din. From afar, makinis siya. Alam niyo naman ako, attracted sa mga makikinis. Hehe. So nakita ko lang siya. Never intended for him to see me looking at him. For one instance, I just appreciated his nice physique. Nag-concentrate na ako sa ginagawa ko.

When I was done, naghanap na uli ako nang Thread Mill to do another round of cardio exercise. I started doing my last exercise so I can go home na. After a few minutes, wala lang, I just decided to look back to see how people in the gym are doing. Biglang naisip ko lang. And surprisingly, pagtingin ko sa likod, I saw the cutie guy on his way to where I was. Balik agad ako sa ginagawa ko. Pero naglaro sa isip ko na sana magthread-mill din siya katabi ko. Hehe.

Pero eto ka, after that wild thought, napatumbling ako in 60 seconds dahil ang naglaro sa isip ko, aba, nagkatotoo. Waaahhh!!! For some reason, andaming free na machine at that time kasi di naman peak hours. Konti ang nagwo-work out. Pero tumabi talaga siya. Hinayaan ko na lang. Hindi ako nag-assume. Since mahina nga ang gaydar ko, inisip ko na lang baka favorite niya yung spot na yun. So eto ako, after nang yellow cab "ilang" moment yesterday, may golds "ilang" moment na naman.

For the first time, my cardio exercise was never been that sweaty. Lintek! Nakaka-ilang talaga. Dahil on your side view, nakikita mong tumitingin siya. Kung isa o dalawang beses, normal pa eh. Pero kung madaming beses, aba, hindi na normal yun. Naglaro na ang utak ko. Inisip ko nang baka berde ang dugo ni coot kuya. I decided to finish my last run after 15 minutes. Hindi ko na kaya. Hehe.

14:49 na sa timer, ilang seconds na lang nang si kuya, biglang nagsalita. Wala naman siyang pwedeng kausapin kasi dalawa lang kami sa area na yun. Wala din naman siyang iPod para isipin kong kumakanta siya. He said, "Nice hairstyle. Saan ka nagpapagupit?". Nanlamig ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nag-isip pa ako kung may meaning yung tanong niya. Haha. Crazy me. Ang sagot ko, "Toney & Jackie" kahit hindi naman na ako nagpapagupit na doon.

15:22, lagpas na sa oras na sinabi kong titigil na ako. Pero may moment kasi. Inisip ko na lang, maybe he was just interested on my hairstyle. Period. But when he said, "Okay ba dun? Ano kaya ang hairstyle na babagay sa akin. Any suggestion? Pwede mo ba akong samahan dun?". Hmm, wait lang. Ano na! Friends na tayo??? Gets ko na.

Nailang na ako to the highest level. I stopped the machine before answering him para pagkatapos sumagot, sabay takbo na. Baka maubusan ako nang hininga eh. Haha. Sabi ko, "Their salon is in Festival Mall. You still have a short hair. Mahirap pa style-an yan. Pahabain mo muna nang konti...". Sabay follow up nang, "wait lang ha, nawi-weewee ako. CR lang ako.". Waaah!!! Sabay punta nang Locker Room. Pakshet! Di ko na alam kung tama o mali yung sagot ko. Hehe.

Pagpasok sa loob, hindi naman talaga ako nawi-weewee. Excuse ko lang yun. Duwag kasi ako sa mga ganun eh. Hehe. Nagpatagal muna ako sa loob nang konti. Paglabas ko, dumeretso na ako sa may stretching area. Yung may malaking salamin. Sayang, iniiwan ko kasi phone ko sa car. Na-picture-an ko sana si kuya para sa blog ko. Haha. So konting stretch stretch para di sumakit ang mga muscles.

After, palabas na ako nang makita ko siya sa malayo na nakatingin sa akin, tapos biglang ngumiti at kumaway. Politely, I smiled back at naki-kaway na din. Feeling close kami. Sabay balik sa daan palabas nang tumumbad sa harap ko si trainer ko at napa-shet ako nang bonggang bongga. Natawa siya. Sabi niya magugulatin pala ako. Sabi ko na lang, oo. Hay!!!

Shet! Ang duwag ko talaga. Feeling ko lang ha, kung di ako naiilang sa mga ganyan, certified "talandi" na ako. Haha. Pero buti na lang din, hindi. At least, behave pa rin ako. Good boy pa rin si TL. Yun nga lang, certified duwag pa rin. Shet. Hehe.

1 comment:

Anonymous said...

TL, that was a really FUNNY story! Don't worry, I can totally relate... but at least inspite of your bashfulness, you have a gym friend na! Nakzz!

So you left na FF ha? Well it seems you're making more friends at Gold's, so no regrets! May trainer ka pa, parang hollywood starlet! hehehe... Good for you, you deserve it...

Ok gotta get back to work, keep all the good stories coming (add more pictures na rin hehe)... Hope you're feeling better... and you still owe me some kwento (you know, the ones you wouldn't tell me yet! :D

IW