February 14, 2009

Valentine's Day Part II

After meeting Jay, I rushed back to Alabang to meet my second date for Valentine's Day. While Jay and I are eating at Chowking, tinext ko nang sa Festival Mall na lang kami magkita para di na hassle sa akin since manggagaling pa ako nang Manila. Pumayag naman. Balak ko nung una kasi, sunduin ko pa sa house. Good thing wala masyadong traffic kaya nakadating ako nang maaga.

Actually, ang usapan namin eh 6:00pm. Pero I got there 5:45pm. So I decided to buy a gift muna habang hinihintay siya. Ikot ako nang ikot. Ang daming tao. Hanggang sa napadpad ako sa isang shoe store. May nakita akong rubber shoes. Yung black na ginagamit ko kasi for work-out, after 3 years of using it, nag-smile na siya (if you know what I mean). So I bought it.


And then, I went back on looking for a gift sa aking second date. Actually, I really have no idea on what to buy. I was thinking sana of flowers pero I have no idea where to buy naman. I also thought of buying special designed-balloons na pang-valentine's day, kaso hindi ko type yung mga nakita kong designs. So I went to Blue Magic na lang and bought this:


This very nice big angel candle caught my attention very quick kaya siya na yung binili ko. I like giving big items. While paying for it, nagtext na yung second date ko na nandun na daw siya. I hurried up at sinundo ko na siya sa may Abenson Appliances kung saan niya ako hinihintay. Pagdating doon, naka suot din siya nang red. Hala! Parehas kami. Halata ang valentine's day sa amin. Hehe.

Nag-ikot ikot muna kami. Pagdating sa may F&H, may jacket na kumuha nang atensyon ko. Lintek! The next thing I know, binili ko na siya. Hindi na naman ako nakapagpigil. Hay! Good thing di din niya ako pinigilan. Normally kasi, si huwag yun eh. Then tinanong ko siya kung may gusto siyang damit. Wala daw. Fine!


Ikot ikot lang kami hanggang sa nagutom na ako. Nag-aya na akong kumain. Tinanong ko siya kung saan niya gusto pero ako pa rin ang pinag-decide niya. Naisip kong mag-eat-all-you-can kami sa cabalen since dun lang ang di masyado jam-packed. Halos lah
at nang restaurants eh punong puno nang tao. We then started getting our food.


Yes! It's mamiko. My second valentine's date. Hehe. Parang galit lang siya sa picture noh. Haha. Actually andami niyang kinuhang food. Nagutom ata. Hehe. Nangalahati na yung food niya on the picture above. Ako, di sulit sa akin ang eat-all-you-can. Konti lang yung gusto kong food. Doon na rin namin hinintay kapatid ko na may ka-date at that time.


Pagdating, umuwi na kami at nakakaramdam na naman ako nang init sa katawan. Nilalagnat na naman ako. Siguro, kung nakakapagsalita lang katawan ko, minura mura na niya ako. Hindi na daw kasi ako nagpahinga. Antok na rin ako kaya pagdating sa house, tulog na ako. Nakalimutan ko pa nga uminom nang gamot sa sobrang pagod at antok.

My Valentine's Day was spent with people that I truly love. People that are very special to me. People whom I know na mahal talaga ako nang walang kapalit. Hindi ko kinailangan nang fancy valentine's date. Pahinga muna ako. I want to concentrate on achieving things that I have set for myself. No more distraction for now (let's see. hehe).


To everyone, I hope you all had a happy VALENTINE'S day. A warm post-valentine's greeting from your crazy TL...

No comments: