How's TL's Valentine's Day?
I woke up very happy yesterday morning dahil nawala yung lagnat ko. Nadaan sa isang Biogesic. Akala ko kasi magtutuloy-tuloy na at di na ako makakapag-celebrate nang Valentine's Day. But gladly, natuloy ako to meet up with my valentino. Who else, eh di si Jay. My forever one and only. Hehe. Again, as I have said in my previous entry, I don't consider it as a date. We just both decided to be together on Valentine's Day.
This is his current built. Nakinig pala siya sa akin
when I said he's getting bigger and he should tone down.
And he did.
when I said he's getting bigger and he should tone down.
And he did.
I left the house around 12:15pm. We agreed to meet up nang 1:00pm. May pasok kasi siya. Tatakas lang siya sa work so we can spend time together. Pagdating ko nang office niya, saka lang ako nagtext. After 15 minutes, wala pa ding reply, tumawag na ako. Walang nasagot. I parked in front of their gate so I can see him from there. I waited. But after 45 minutes, walang text pa din. Wala pa ding nasagot.
I was about to get out of my car to go to Manila Cathedral to pray nang may dumating na cab. And it was him. Pumunta agad siya sa car to apologize at galing daw siya nang National Library, napag-utusan at naiwan niya yung phone niya. Biglaan. Wala naman sa akin talaga. But it was cute to see him explaining. He then went inside his office to get his phone. Pagbalik, sa loob lang muna kami nang car.
As usual, he held my hand immediately and gave me a sweet kiss. Updates. Kamustahan. Tinitingnan ko lang siya. Sumasaya ako pag naririnig ko talaga ang boses niya. Kinikilig pa din ako pag nakikita ko siya. Buhay pa rin lahat nang magandang alaala. Yung mga malulungkot, talagang nakabaon na. We spent an hour inside the car. Kulitan, kuwentuhan, hugs and kisses, tawanan. Who would've thought you'd enjoy those inside a car. That's the magic.
Jay: How's mommy and grace?
TL: Okay naman sila.
Jay: How's work?
TL: Okay din naman. Namiss kita...
Jay: Ako din, namiss kita...
Jay: Bakit ka naka-red? (sabay bungisngis)
TL: Wala lang. Gusto ko lang. Valentine's Day eh. Hehe.
Jay: Nakakainis yung mga nagsusuot nang pula pag valentine's day.
TL: Paki mo! Walang pakialamanan. Hehe. KJ mo talaga.
Jay: Yang buhok mo talaga, gugupitin ko na yan. Di ka na bata Jaime!
TL: Hay! Buhok ko na naman ang pinansin.
Jay: Kamusta yung mga nanliligaw sa'yo?
TL: Nge! Kamusta yung mga fans mo? Yung mga hatik tikman ka (sabay tawa)
Jay: (sabay iling) Ikaw ang lakas mo talaga mang-asar.
TL: Pag ikaw niloloko, naiinis ka. Pag ako inaasar mo, parang pwede. Daya mo talaga.
Jay: Kamusta ka na nga?
TL: Kakahiwalay lang.
Jay: Kanino?
TL: Kay nathan.
Jay: Sino yun? Yung nasa friendster mo? Yung may picture kayo sa kotse?
TL: Oo.
Jay: Anong nangyari?
TL: Mahabang storya. Wag nang pag-usapan.
Jay: May nangyari sa inyo?
TL: Wala jay. Wala. Dalawang relasyon na after mo. Pero lahat walang sex.
Jay: Napaka-imposible mo. Hindi ako maniniwala.
TL: Hindi kita pipilitin. Wala talaga. Di ko rin alam kung bakit wala.
Jay: Ewan ko sa'yo. Okay lang naman eh. Wala naman akong magagawa.
TL: Wala talaga. Ikaw pa rin ang hinahanap nang katawan ko. Ikaw lang.
Jay: (tingin sa paligid) Gusto ko na talaga magka-SLR. Pag-iipunan ko na talaga.
TL: Ako nga din. Gusto ko rin magka-SLR.
Jay: Ang sarap mag-photography.
TL: Dapat ako una mong modelo ha.
Jay: Asus! Oo naman!!!
TL: Hanap mo naman ako nang ka-date? (nakangiti)
Jay: O sige, pero pag nag-date kayo, kasama ako ha.
TL: Ano na! Anong date yun. Dapat kami lang dalawa.
Jay: (iling)
TL: Sige na! Hanap mo ako date.
Jay: Ano ka ba! Bakit ka pa maghahanap, andito naman ako.
TL: Asos! Time nga wala ka, date pa kaya. (tawa nang malakas)
Jay: Ikaw, tuwang tuwa ka talagang pinipikon ako.
Jay: (himas sa tiyan) Nagkaka-abs na tayo ha.
TL: Yeah right! Mapanlait!
Jay: Konting work-out na lang. Gusto ko magka-abs ka din.
TL: Wag na! Ikaw na lang ang maganda ang katawan sa atin. Okay na ako.
Jay: Di na ako nagbubuhat ha. Sinusunod ko yung gusto mong katawan.
TL: Very good. Tama lang yan.
TL: Mahal mo pa rin ba ako?
Jay: Mahal na mahal pa rin kita. Kung alam mo lang. Masaya ako at maayos tayo.
TL: (Nakatitig lang)
Jay: Mas naging maayos yung walang commitment. Hindi kita nadidisappoint.
TL: Pero masaya pa din yung alam mong meron.
Jay: Meron naman ha. Wala pa din akong pinapalit sa'yo. Ikaw madami na.
TL: Anong gagawin ko? Tutunganga?
Jay: Natatakot lang ako sa commitment ngayon dahil alam kong busy ako.
TL: Hmpf!
Jay: Busy lang talaga ako. Pero never pa akong nakipag-date.
TL: Whatever!
Jay: Marami nang nag-attempt. Kahit sa work. Pero hindi naman ako pakawala.
TL: It's okay. I understand. Okay lang naman eh. Okay na siguro yung ganito ngayon.
Jay: Oo. Hindi tayo nag-aaway. Mas masaya ako. Mas okay tayo.
Around 3:00pm, he decided to walk around Intramuros and show me other parts of the area that I haven't been to. He wants to have some photo shoots for me. That's one thing I like about him, he spoils me with my photo addictness. He enjoys taking shots of me, but at the same time, he now enjoys posing also, which is becoming my great contender. Hehe. See our Valentine's Day pictures:
Habang nag-iikot kami sa Intramuros, bigla niya akong inakbayan at sinabi, "Bakit sa simpleng bagay nakukuha ang totoong kasiyahan? Itong ginagawa natin, masaya ako. Magkasama tayo..". Sabay niloko ko siya, "What do you mean?". Sabay tulak sa akin. "Eto naman, parang bata, kungwari di alam ang ibig sabihin". Tawa lang ako nang malakas. Hehe.
After walking around, nagutom ako. Nag-crave ako nang Siopao. We went to the nearest Chowking. Doon na kami nag-merienda. Tuwang-tuwa si Jay sa mga pictures niya. Hehe. Ako tuwang tuwa din. I think given na yun. Hehe. Bumalik kami nang car after kumain. Doon muna kami tumambay bago maghiwalay.
I gave the necklace that I am wearing to him. I want him to remember me through that pag di kami magkasama. Nakahiga lang kami sa upuan. Hawak niya ang kamay ko. Tumetiyempo para makahanap nang pagkakataong mahalikan niya ako. Baka may makakita kasi. Then, nagpaalam na siya. He went back to his office na at baka masilip siya. Mahirap na. We bid our goodbyes and greeted each other a Happy Valentine's Day.
Masaya ako. Masayang masaya. Siya naman talaga ang gusto kong kasama. I have no expectations. I have no regrets as well. Walang panget na feeling pag nagkakahiwalay. In my part, walang hoping feeling. Okay na sa akin yung ganung set-up. Siguro alam kong malabo. Maaring sa ngayon. O maaring hindi na. Hindi ko alam kung kelan siya magiging handa uli. O baka hindi na. Kaya mas maganda nang wag nang umasa.
We both know that we still love each other. The feelings stay the same. We just don't have commitment. But unconsciously, our hearts remains committed to loving each other no matter what. Na kahit may makilala kami along the way, we will have the love for each other forever. That's my Jay. I will love him for the rest of my life. We'll see what destiny has set for us...
2 comments:
Wow looks like you're getting it on with Jay ulit. Hmmm may ibig sabihin ata yan. After how long nagkita kayo ulit and on the day of hearts pa. Well, if it turns out you end up with him again, lam mo naman ok sya sa akin. Law grad ata ako and since he's taking it... well, 2 thumbs up ako dyan. :P
Gagawan ko sana nang entry ang pagreply sa comment mo kaso naisip ko, nagbabasa pala si Jay nang blog ko, baka lumaki ang ulo. Hehe.
Mukhang hindi balikan ito Kuh. Mukhang ganito na lang talaga kami. Hehe.
But again, who knows...
Post a Comment