I'm really very bad with identifying pink people. Hehe. I shall not deny it. My friends do know that. Yesterday, 3:00am, I decided to go to Yellow Cab alone to buy a pizza for a simple treat for my team as we have ended the month of January with a high productivity score. Di ko na sinama si Kumander kasi walang maiiwan sa team. When I got there, I immediately ordered at the counter.
After a few minutes, while the card is being swiped for the payment, may katabi na pala akong guy. Medyo mas mataas ako nang konti sa kanya but he has a buff body pero may "busog" tiyan, pero carry na. He's cute, makinis, he was wearing a shirt and short lang. Spikey hair, chinito, pointed nose, and of course, ang che-check nang lahat, he has good lips. Hehe. And that's all in one glimpse lang ha.
Dahil magkatabi kami, nailang ako. Coot kasi eh. Hehe. Dahil medyo mabagal magread yung card swiper nila, umupo muna ako (para huminga, haha). After he ordered, umupo din siya. When I saw him looking at me, and of course, he saw me looking at him, we changed the directions of our views. I took my cellphone and started pretending that I am gonna text someone. And him, he went out. So I then made my conclusion that he is straight. Period.
From outside, I saw his company. Another tall, cute looking guy and a pretty girl. In short, they are a group of cute people na nakapambahay lang. Siguro nagutom lang and decided to buy a pizza. When I was looking at them, the other guy saw me (malas nga naman) kaya balik tingin ako sa cellphone ko kahit wala naman tinitingnan. Pakshet! Maya-maya, pumasok na uli si cutie guy.
Because I was in the impression that they are straight people, I minded my own business to where I was seating. But guess what. Si cutie guy umupo where I was facing. Isang table lang ang pagitan namin. Imagine how many vacant tables ang available nang 3:00am. Bakit doon pa siya umupo. Nakakapagod tumingin sa cellphone nang walang tinitingnan ha.
Hindi pa rin ako nag-iisip nang kung ano. What I know is naha-hassle lang ako. Until sumagad na ang ilang factor dahil nakatingin siya sa akin. Alam mo yung nakikita mo yung ginagawa nang tao kahit di ka directly nakatingin sa kanya? Ganun. Ayoko sanang isipin na sa akin siya nakatingin kaso kami lang dalawa yung customers sa loob at that time. Hmm. Dedma na lang.
Sa loob loob ko, makakuha lang ako nang pagkakataon, kukuhanan ko siya nang picture at ibo-blog ko siya. Pang ganti lang sa ilang na dinulot niya. Hehe. Ayoko kaya nang ganung feeling. I hate "ilang" moments. Hehe. Good thing naunang nagawa yung order niya at siya na yung tinawag. Pag tayo niya, 1, 2, 3, ayun, nakuhanan ko siya. Haha. Kaso, patalikod nga lang. Kala niya ha!!!
After he got his order, hindi na ako humabol nang tingin habang palabas siya. Baka mahuli na naman ako. Malas ata ako that time. Hehe. Tsaka di naman ganun kagaling ang "Gaydar" ko to know if that guy is gay. Nung tinawag ako ni Yellow Cab Manager para ibigay na yung order ko, aba, ang banat sa akin, "Haba nang buhok niyo sir ha...". In-assume kong literal yung sinabi ni manager kasi di ko tinali yung buntot ko.
Nang sinundan niya nang "kanina pa tingin nang tingin sa inyo yung lalake, baka crush kayo...", sabay ngiting may malice. Waaahhh! Kasi naman, hindi ako marunong makipagtinginan sa lalakeng di ako sigurado kung tuwid o baluktot. Hehe. Anyways, ganun yata talaga. Ang pagkakataon, minsan lumalagpas lang talaga dahil sa katangahan nang tao. And that's me. Haha. Sayang!!! Makabalik nga nang Yellow Cab next week. Same time. Hehe. Just kidding.
February 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment