Hay! Itong baby ko ha, ang mahal nang maintenance. Hehe. Binubutas ang bulsa ko masyado. After nang renewal nang insurance niya, gulong naman sa likod ang sumunod. Dahil nabutas na yung reserve ko, tumatakbo akong walang spare tire. Dahil mahirap nang di sigurado, bumili na ako nang dalawang bagong gulong (nang matahimik na rin si mamiko hehe).
Last friday morning, bago kami pumunta nang Enchanted Kingdom for the continuation nang celebration nang birthday ni mamiko, pumunta ako nang Goodyear Servitek sa may Las Pinas, 9:00am, para lang ipakabit ang gulong, ipa-align at ipa-balance. Pagdating ko doon, madaming customer pero sakto naman at may isa pang spot akong natiyempuhan.
Yun pa lang and the service costs some money na. Eh mukhang hindi na ako kumpiyansa sa fanbelt ko, pina-check ko na at pinapalitan. Waaah!!! Dumugo ilong ko sa gastos. In short, sa bisita kong yun, nakagastos na agad ako nang mahigit tatlong libo. Yun pa lang yun ha. But anyways, worth it naman. I always trust their service. With quality kasi.
Mahirap nang di alagaan si Khenzo. Buhay ko kaya nakasalalay sa kanya. Parang asawa mo na ang sasakyan. You have to take care of him. Kailangan pagkagastusan at pagbuhusan nang panahon at atensyon. At wala kang choice kundi tustusan ang kanyang mga needs. Kailangan eh. Hay!!
Kaya ngayon, hassle free na uli ang feeling. Wala nang masyadong worry. Pogito na uli ang aking Khenzo. Ganun din ang nagmamaneho. Ngerks-ngerks!!! Hehe.
February 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment