February 9, 2009

Malas nga naman

Sa kamalas malasang pagkakataon nga naman, pagkauwi ko sa bahay from gym, may kinuha lang akong gamit sa taas nang bahay nang pababa na ako, biglang nag-slip yung paa ko at nahulog ako sa hagdan. Waaahhh!!! Oo, katangahan ang tawag dun. At isa lang ang sigaw kong pabulong, "Aray!!!". Bow!


Masakit. Nang dahil diyan, hindi tuloy ako nakapasok ngayon. Lintek! Kasi ang nadali, yung tuhod ko na sinimento dati because nahulog ako sa isang creek. Oo na! I'm sure nag-react ka. One way or another, siguradong nagsalita ang utak mo at sinabing, "Ang tanga naman ni TL!". Hehe.

Meron kasing isang shortcut na isang creek from our village to another village before. Sobrang kipot lang nung daan. Bata pa ako noon. Gala. Mahilig tumakas sa bahay para maglakwatsa. Mahilig kami dumaan sa shortcut na yun kasi mabilis nga yung way. One day, nang dumaan ako doon, may nakasabay akong maliliit na bata. Bigla kong naisipang takutin. Tumakbo ako at sumisigaw nang "Woooh" papalapit sa kanila nang biglang, "tugoink!!!". Nahulog ako. Haha.

Bilis nang karma noh. Nakakahiya kasi ang baho. Creek eh. Patakas pa akong umuwi nun. Umakyat pa ako sa bakod namin para di ako sa gate dumaan kaso nahuli din ako. Malakas talaga radar ni mamiko sa akin. Hehe. After a few days, nakaramdam ako nang sakit sa tuhod. Nung pina-check na namin, yun pala ang napuruhan. Hassle!

Yung doctor na tumingin sa akin, bad trip. Tinakot ba naman ako. Pag di daw nadaan sa simento, ooperahan daw ako at maaring putulin yung paa ko. What can you expect, bata pa ako nun, siyempre, napraning ako nang todo-todo. Kaya nag-behave na ako simula noon. Life changing moment kung baga.

And after so many years, eto't nahulog na naman ako. Stupid me. Pinahinga ko at pinakiramdaman kasi yung tuhod ang tinamaan. Ayoko nang ma-simento uli. Hindi ko na lang sinabi kay mamiko kasi mapa-praning na naman yun. Sinikretong malupet ko na lang. Nagkulong ako sa kuwarto. Sabi ko naka-leave ako kaya walang pasok. Shet!

Hay! Dear tuhod, makisama ka ha. Paggising ko, dapat wala ka nang kirot ha. Pleaseeeee!!!!

2 comments:

Anonymous said...

sinikreto mo talagang malupit TL? i hope it's ok na.

i have read your previous posts...the whole day that's all i did. it's was good, really good. continue posting in your blog, it's making one reader happy. thank you. :)
have a good day yourself TL.

Mac & Hubbee said...

wow! ineffort mo? bilib ako sa'yo. wala akong masabi.. but thanks!!!