Wala naman akong choice kundi umuwi na after nang shift. Ayoko namang mag-stay sa office. Sumabay na sa akin si Drey at Hazel pauwi. Kuwentuhan sa loob nang sasakyan. Naramdaman na ni Hazel na disoriented ako. I swear, disoriented nga ako kanina. Maraming nasa utak ko. Para silang mga rallyista na nagkakagulo sa utak ko. Hanggang sa nakaramdam ako nang tawag ni pantog.
Dumaan kami nang Caltex para magweewee. Pagbalik sa car, naisipan nung dalawa na i-try ang pinromote kong "Meltz" nang KFC. Natuwa naman ako at gusto ko yung idea. Hehe. So pumunta na kami nang KFC, umorder na and pinaghintay at 10 minutes pa daw. While waiting, nakita ko yung phone ko at naisip kong mag-picture. Wala lang. Natuwa naman yung dalawa.
Actually sobrang daming nakakatuwang pangyayari na ang hirap ikuwento kasi mas may dating yung actual na nangyari kaysa sa sinulat na kuwento. Pero I was all laughing the whole time. Saya! Andaming spoofs at crazy stuff. Ilang beses naming in-attempt magtake nang picture pero tawa kami nang tawa. Ang highlight nang lahat nang highlight ay ito:
Funnee di ba!!! Akala nila picture, video pala. Haha. Si Hazel halatang ready sa stolen shot, consistent sa pag-pose. Pero dahil gusto talaga ni buntis nang picture, ayan, pinagbigyan na. Hehe. Actually meron pa kaming isang picture na tatlo kami kaso nagmukha akong mumo doon kasi ang puti-puti ko. Napatapat yung ilaw sa akin. Di ko na pinost. Hehe.
Nasarapan ba kayo sa meltz Drey and Hazel? Hehe. Malaki na talaga utang sa akin nang KFC sa pagpo-promote ko nang product nila. Hehe. Di ko lang ina-advertise at pino-promote, may feedback portion pa. San ka pa!!!
2 comments:
you got us there!! ahahah... saya saya talaga nito.. salamat sa Meltz for the bonding moments. ayan dapat kasama na rin ako babayaran ng KFC for advertising. ahehhe...
Haha. Hindi na Meltz ang latest addiction ko, yung vudeo niyo na. Kakaadik panoorin. Hehe.
Post a Comment