February 25, 2009

In Response to Wildion Part II


Bom Dia!!! (Portuguese for Good morning)

Parehas lang pala tayo nang reactions whenever we read our responses to each other. Funnee! I guess that's one of the main reason why I chose to post and answer your email, may sense kasi. Actually, madami. Kaya gawin nating plural ang sense. Senses. Ayan! Hehe. Parang kay ItchyWorm lang. (Hmm, bihira magparamdam si IW lately-tampo mode)

Oissst, don't spend too much money on my blog. Nakakahiya naman. Be practical nga. Maraming walang trabaho ngayon. We have to value our money. Naks! Hehe. And don't spend too much time with my blog. Baka one day, bisitahin na lang kita sa Mental Hosiptal diyan sa Dubai (kung meron man) dahil nalulon ka na sa adiksyon. Hehe.

Pareho pala tayong impulsive. Shet! Ganyan din ako. Kaya nga siguro spoiled brat ang tawag nang ilan sa akin. From mamiko and to some of my friends. Lagi nasusunod dapat yung gusto ko. Hehe. Kahit nga sa boss ko eh. Feeling ko spoiled ako. Madalas kong makuha mga gusto ko. Hehe. Pero naman kasi, good boy talaga ako kaya minsan I deserve it. Haha. Dinefense!!!

Hay! May cardiomegaly na nga ako ata. Nakakataba yung mga natatanggap kong emails from different people, expressing their gratitude for my blog. Especially from you. Actually, I'm really shocked on how I am helping other people just by my pure craziness. Sabi ko na eh! Walang naniniwala sa akin dati. Kabaliwan lang talaga ang sagot sa madaming problema. Hehe.

Wildion, I have different work schedules kaya iba iba minsan ang time nang pagbo-blog ko. Pag Monday, Tuesday and Friday, usually mga 6:30-8:00am. Pag Wednesday and Thursday naman, mas marami akong time, from 4:00-8:00am. Kaya kung mapapansin niyo, mas maraming entries nang mga araw na yun.

Pag Saturday and Sunday, depende na yan. Flexi-schedule na ako niyan kasi off ko. Pag tinopak lang. Hehe. Oo nga, para ka nang stalker ko, aside from alam mo lahat nang nangyayari sa buhay ko (by following my blog), alam mo din ang schedule ko. Hala! Wag ka ma-o-obsess sa akin ha. Wahaha. Just kidding! And thanks in advance for the promotion of my blog. Hanap mo ako nang cute na reader. Hihi. (landi mode)

Alam mo, pagdating dun sa sinabi mong you always want to be a mother, naku, parang di ako maka-relate. Never ko kasing naramdaman yan. I always wanted to be a guy. Never I have fancied girl's stuff, clothes, make-up, neither tried using them. Hindi naging issue nang brain ko ang gender ko. Sexuality, oo! Pero friends na ang brain at ang sexuality ko ngayon. Hehe.

Funny nga ang boss ko the other day, paratangan ba naman ako na hindi daw ako tunay na PLU. Hala! Nagpapanggap lang daw ako (alam niya kasi storya nang buhay ko at medyo close kami). May tinanong kasi siyang guy sa akin kung gay daw ba yun. Sabi ko I have poor gaydar. I have no idea. Nainis. At yun ang sinabi. Bigla akong pinagdudahan. Haha. Nagtawanan lang kami.

Alam mo, I will not say that I have been acting so straight. I just can't assume that. Who knows, may kilos pala akong I'm not aware of na medyo gayish. But I never bother to think of that. Mind setting lang kasi yan eh. Basta kung ano ang nasa utak mo, yan ang magre-reflect sa panglabas. Since I know that I'm a guy who just happenned to have a different sexuality, my actions remains like a straight guy.

Baka your actions are caused by what your mind has been telling you. Maybe, you wanna start improving your mind setting bago totally mo ma-achieve ang desire mong kumilos nang tuwid. Try it! There's no harm naman in trying. Para hindi ka na mainggit sa akin. Actually, hindi nga ako sanay na may taong nag-eexpress nang inggit sa akin. Alam ko kasi, simpleng tao lang ako. Naks! Pa-humble effect!

In fairness, natawa ako sa suggestion mong pilot episode nang talk show ko. Napahalakhak ako like there's no tomorrow. Lintek! Ang kulet nang idea. Ano yun, nagkatuhog-tuhog na ang mga lalake sa aking nakaraan. Sila sila. Wahaha. Kulet! And the suggested titles of the show, kulet!! Okay na nga ang TL. Pero ang meaning eh TiliLing. Hehe.

Jay is not yet a lawyer. Oh well, we've both dreamed that to happen. I wanted him to reach his goal. He's on his way, baby steps. I hope someday, he can be. He's good kasi. Sa sobrang galing nga niya, pati ako natatalo niya. Kaya nakipaghiwalay ako. Haha. Just kidding. Oist, hindi yun ang dahilan ha. Baka maniwala kayo.

Actually I don't mind telling what happened between me and my ex-es. My life is an open book na nga through this blog. Kaso, in respect na lang to them, I decided not to share na lang those kind of information. I value each of them naman kasi. They had purposes why they came in to my life. Kaya kahit di nag-last yung relationship, I value pa rin sila.

Si Jowell? Hmmm. He got my attention nga eh. Pero mahirap kasi tumingin sa dilim (gets mo?). All I know is that he is Jowell in my chatbox and that's it. Whether he is true with his words or not, blank pa din. Hehe. But I do appreciate what he expresses publicly. But seriously, all I'm waiting is for the strongest guy who would show up in front of me and will tell me, "Love me TL, I'm yours!!!". Hehe.

Shet! Ang corny ko talaga. Hehe. Till next exchange of email...


Jerjerly yours,
TL

No comments: