February 28, 2009

Shopping with the Preggies

Last friday, I accompanied the two preggies, Hazel and Ka-ye to Market Market at mamimili sila nang souvenirs for their joined baby shower this coming tuesday. I actually offered to drive them there. Alam niyo naman, ini-ispoil ko ang mga buntis ko. I'm an excited TL for their babies eh. Actually, kabuwanan na ni Ka-ye this month. Kinakabahan ako. Anytime next week kasi, may chance na siyang manganak.

We left our house around 4:45pm. Actually, ang usapan, 12:00pm. Nakauwi na ako sa bahay nang 7:30am from work, at natulog nang 8:ooam. Nagpagising na lang ako kay mamiko nang 11:00am, which she did naman. Actually, naunang gumising sa akin si Ka-ye. Tinawagan niya ako. Bangag bangag pa ako. Kaso pinatulog niya uli ako kasi hindi pa daw nagpaparamdam si Hazel. Eh di okay. Kahit bitin at putol ang tulog, at least may extension.

Around 1:30pm, si Hazel naman ang tumawag na super duper energetic pa. Gumising na daw ako at aalis daw kami nang 3:00pm. Magkikita na lang daw sila at pupunta na lang sila dito sa house, dala ang car ni Ka-ye. Eh di bangon naman si ako, bangag bangag pa din. Ligo at ayos na. Pinaayos ko na din si mamiko at isasama ko. Si Kumander at Bess na nagsabi na sasama eh biglang hindi na.

Ay!!! 4:30pm na sila dumating. Ang Hazel, nanggaling pa ata nang Zimbabwe. Hehe. Siyempre, hindi ka naman mainis kasi mga buntis yun. Hehe. It was my first time to drive papuntang Market Market kaya exciting kasi malalaman ko na ang way. Hehe. Kaso sobrang ingat at kabado ko din at dalawang buntis yung sakay ko. First time din ni Hazel sa Market Market kaya pagdating, kinuhanan ko na agad nang picture. Remembrance. Haha.


Hindi pa ako kumakain kaya medyo gutom na ako pagdating doon. Ganun din si Hazel. Kaya nag-aya na muna kaming kumain bago mag-ikot ikot for the souvenirs. We went to Sbarro, ang favorite kainan ni Ka-ye. Sa office kasi, laging pasta pizza combo ang dala sa kanya ni Chris. Sosyal nang pinaglilihiang food. Hehe.


Nakakatuwa kasama ang mga buntis. Siguro kong tatlo lang kami, inisip na siguro nang mga tao na makakasalubong namin na ako ang tatay at dalawa ang nabuntis ko. Hehe. Pero kasama namin si mamiko kaya pwede kaming pagkamalang pamilya lang. Ako yung anak na lalaki, at kasama ko ang nanay na konsintidor at hinayaan mabuntis ang dalawang anak na babae. Hehe. Nakaka-distract ang boobsicles nang mga buntis habang kumakain. Nagsipag-lakihan na. Haha.


After kumain, nag-ikot ikot muna kami. Actually, dumeretso agad kami sa isang store na kung saan may nagustuhang damit at sapatos ang dalawang buntis habang papunta kami sa Sbarro. Ang bibilis talaga nang mga mata. Hindi ko mapigilan, mga buntis eh. Mahigpit na bilin nang mga asawa na souvenirs lang ang bilhin. Hehe. Binawasan pa nga nila ang pera nang mga buntis kasi baka hindi daw makapag-pigil. Haha. Coot coot.


After sa mga damit, nakakita naman sila nang store nang mga shoes. Hay! Feeling ko nag-stay kami doon nang isang oras. Hehe. At kasabwat nila si mamiko. Pati siya, nakiki-sukat nang mga sapatos. Wala naman dalang pera. Kaya ang kinabaksakan, ayun, ako ang nagbayad. Waaah!!! Mautak ang nanay ko.


And after makabili nang shoes si Ka-ye at si mamiko (si hazel, walang nabili after all), nahimasmasan ata ang mga buntis at biglang na-realize na magsimula na silang maghanap nang souvenirs for their baby showers. We went down to the ground floor where all the souvenir stores are located. In fairness, ang hirap mamili. Ang dami kasing pagpipilian.


Sabi ko sa kanila, balang araw, ipagpapasalamat niyo itong ginagawa kong pag-document nang preggy escapades nila. Kasi paglaki nang anak nila, they will show these pictures (oh my! please, not this blog) and they will tell them what they did for their baby shower. For some reason, pareho nilang gustong "Uno" ang pangalan nang first baby nila. Kulet! BFF sila! Haha.


After namin maglibot, finally, nakapag-decide ang dalawang buntis kung anong souvenir item ang ibibigay nila sa team para sa exclusive Team Protege Baby Shower. Pero, nawindang ako kung ano ang napagdesisyunan nilang souvenir. Pumunta pa kami nang Market Market para doon. Haha. Surprise na lang muna.


Hinayaan ko na muna silang dalawa makipag-deal doon kay ate tindera para sa souvenir item. Si mamiko muna ang pinagtripan ko. Hehe. Sabi ko, "Ma, pose ka nga, pipichuran kita, dali...". Ayy!!! Walang kaamok-amok, pumose agad. Haha. Hanapin niyo ang lahat nang violet sa picture. Paramihan nang hanap. Hehe.


Medyo maraming tao that time sa Market Market kasi parang may fans day ang Star Magic of ABS-CBN sa ground circle nang mall. Grabe, andaming "emo". Hassle! Nagsayaw si Maja Salvador, pati si Rafael Rossel. Though I wanted to get a glimpse pero ayaw ko naman makipagsiksikan. After the show na lang ako kumuha nang picture. Hehe.


We decided to go to Bench after nilang bilhin yung souvenir items (at narealize kong bigla pagkabayad nila na ako lang ang magbubuhat nang lahat nang iyon. hehe. pero carry lang). Pero iniwan muna namin kay ate tindera. Hassle naman pumunta nang Bench nang madami akong bitbit. Nagshopping kaming apat sa Bench. Hehe. Why Not!


Si Hazel, nag-shopping nang underwear para sa kanyang hubby. Si Ka-ye at mamiko, bumili nang pabango. Ako, bumili nang shades. Hehe. Wala lang. Para lang may mabili kami. Haha. Segue way lang. May staff doon na kahawig ni Nathan. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siya. Akala ko pa nga, siya eh. Buti na lang hindi. Medyo maliit lang kay Nathan. I tried taking a shot, kaso di ako maka-kuha nang magandang tiyempo, ito lang ang nakayanan ko.


Coot coot niya. Tangos nang ilong at maganda ang lips (of course). Siya nga ang nag-assist sa akin dun sa shades na binili ko. Kinilig nga ako. Actually di ko naman masyado gusto talaga yung shades, so-so lang, pero dahil siya ang nag-assist, nabili ko tuloy. Haha. After sa bench, lumabas na kami. It was 8:30pm already na kasi. Nag-final shopping na lang kami nang kung ano-anong food doon sa outdoor market.


It was a fun day with the preggies, and of course, with mamiko. Parang family bonding lang. Ang saya! At napansin niyo, wala akong masyadong picture sa entry na ito. Kalungkot di ba. Puro yung mga buntis. Hehe. Anyways, excited na ako sa baby Shower nila!!!

3 comments:

Ron Centeno said...
This comment has been removed by the author.
Ron Centeno said...

They are so blessed dahil meron na silang, yaya, alalay, assistant, adviser and most of all great friend.

Mac & Hubbee said...

Haha. May tama ka jan Ron!!!