January 7, 2009
Brown-out
Namiss niyo ako noh!!! Hehe (feeling!).
Bad trip, pagdating ko kagabi, excited na ako mag-blog. Ang problema, biglang nag-brown-out. As in naka-set na everything, magta-type na lang ako tapos biglang (tugoink), wala nang kuryente. Ang pinaka-hassle na pwedeng mangyari sa akin. Hindi talaga ako nakakatulog nang walang lamig na nararamdaman sa katawan. Ang init kagabi! In short, dilat ang mata ko nang ilang oras hanggang sa pagsikat nang araw. Hassle!!!
May pumutok daw na transformer sa street namin. Mas na-hassle ako kasi yung katapat naming house, may kuryente, nasa kanto kasi kami, pero yung hilera namin, brown-out. Grrr!!! Mainit na ulo ko, dahil hindi na nga nakapag-blog, hindi pa makatulog dahil mainit. Bwisit! Hindi na ako kinakausap nang mga tao sa bahay. Kilala na nila ako. Off-limits mode na. Buti na lang, around 8:00am, nagkakuryente na (pasalamat kang meralco ka).
And guess what, ang unang pumasok sa isip ko, mag-blog na!!! Hehe. Kaso, may pasok pa ako sa gabi, kaya natulog na lang ako (oh, seryoso talaga ako sa trabaho ko, priority ito). Pero eto ang ginawa ni TL. Nag-alarm ako para bago pumasok, makagawa man lang nang isang entry (kala niyo ha). Hehe. Pero ito kayo, ang nangyari, hindi ko narinig ang alarm. Mahimbing ang aking pagkakatulog. Haha!!!
Kaya eto, mag-aadik sa pagpopost. The revenge of the comeback. Hay! Namiss nang mga daliri ko ang pagsusulat... Hehe. Enjoy reading!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment