January 7, 2009

Update


I decided to give an update on some of my previous entries. Posts that has an open closing. Might as well give you all a follow-up kahit di niyo tinatanong. Hehe. And here they are:

* Si Itchyworm, hindi na nagco-comment. Hindi na siya nararamdaman sa blogsite ko. Natapos ang "In Response to Itchyworm" series sa Part IV. Hehe. Namiss ko tuloy si mystery Itchyworm. Nagbabasa pa kaya siya nang blog ko???

* Si Lucky Boy, single pa din. Hindi pa din matagpuan si Lucky Girl. Hehe. Meron siya ngayon Lucky Dog na umaaliw sa kanya habang naghihintay kay Lucky Girl. Hehe. Namiss ko tuloy itong mokong na ito. Good Luck!!!

* Ang 4th preggy sa team ay walang iba kundi si Sherrie!!! Yes. Confirm nang 4 ang buntis sa team ko. Ang saya di ba! Parang nagbubuntisan na lang silang lahat. Hehe. At sobrang takaw niya sa office. Kain nang kain. Coot! Hehe.

* After the Hayden Kho-Katrina Halili scandal, meron din naman daw si Ruffa Mae Quinto at Hayden Kho ayon kay Lolit Solis. Hala! Scandalous itong si Hayden ha. Kami kaya, kelan madidiscover yung scandal naming dalawa. Haha (just kidding).

* After finding out the mystery in my room, and after putting different stuff sa window courtesy of mamiko, wala nang nagpaparamdam uli sa room. Yun na kaya ang katapusan? O nagpapahinga lang? Hay! Hindi pa rin nahuhuli ang salarin...

* Magaling na si Nathan. Finally. May konting ubo at sipon na lang daw. Pumapasok na siya uli. On friday until Sunday, nasa Pangasinan naman siya. Kaya sa Monday pa kami magkikita. Saktong birthday niya. Miss you Nathan!!!

* Si Zsazsa, babalik na nang Bicol. Dumating na yung amo niya at kasama na yung tito niya. Sayang na bata, mukhang mabait pa naman at marami pang pwedeng marating. Sana, hindi na siya saktan nang nanay niya uli. Kawawang bata.

* Si Training eye-candy, madalas na kami nagpapansinan sa office. Normal na. Wala nang tensyon. Hehe. Burado na kasi siya sa paningin ko. Naks! Buti na lang at tapos na ang training days. Destiny na ang naglayo nang landas namin. Hehe.

No comments: