Btw, si Tavi (the one in red stripes), or short for Tita Vilma ang nag-alaga sa akin nung bata ako. Si Tajoy naman (the one in green), o short for Tita Joy ang nag-alaga sa kapatid ko. Kaya close kami sa kanilang dalawa. Kasama din namin si Charisse, bunsong anak ni Tajoy, at siyempre, ang kapatid ko. Ang cousin ko, hindi nakasama, may pasok kasi sa work.
Ang bilis lang nang biyahe namin. Akala ko mata-traffic kami sa SLEX kasi ginagawa pa din. Good thing hindi. 3:30pm, andun na kami. Tirik na tirik pa ang araw. Shet! Kaya bumili na agad kami nang kapatid ko nang ticket. Pagpasok, may nakalagay na sign na hanggang 7:00pm lang sila. Bad trip! Ilang oras na lang pala kami.
Anyways, in-enjoy na lang namin. Wala naman kaming magagawa. Hehe. Walang katapusang pictures. Gusto ko lang din mag-enjoy si mamiko, which is sobrang nakita ko naman sa kanya. See all of our pictures:
After umikot, pinilit kong sumakay sila nang kahit anong ride. Sayang kasi eh. Alam niyo kung ano ang pinili? Ang Swan Lake!!! Kamusta naman. Pambata. Hehe. Si Tavi, hindi talaga namin napilit. Sila Tajoy, mamiko, charisse at kapatid ko lang ang pumila. Nakipagsingitan talaga sila sa mga bata. Coot coot!!!
Katuwa di ba. Actually, mas nakakatuwa itong mga susunod na mga pictures. Makikita niyo kung gaano nag-enjoy, tuwang-tuwa at kinarir ni mamiko ang pagpadyak sa mala-higanteng swan. May pakaway kaway pa nga eh. In fairness!!!
Habang sila ay nag-eenjoy sa swan lake, nanood naman kami ni Tavi nang tribal dance show. Sakto habang naghihintay kami. Although napanood ko na ito dati, lagi pa din ako naaaliw panoorin sila. In fairness, pretty yung nag-iisang girl. At ako, medyo malayo sa kanila. Takot kasi ako sa apoy. Hehe.
Lupet di ba! Gusto ko sana magpa-picture sa kanila kaso umalis agad si Tavi. Walang kukuha sa akin. Kaya hinayaan ko na lang. Kainis! After namin sa swan lake, pumunta na kami sa Rio Grande. Ang aking pinaka paboritong ride of all rides. Hehe. Nilinlang namin si Tavi para makasama sa ride. Takot kasi yun. Si charisse naman, hindi pinayagang pumasok kaya nag carousel na lang sila ni Tajoy.
Sobrang saya kasi lahat kami nabasa. Pero ang naligo, ang birthday girl. Hehe. Nakakatuwa pa kasi first time nila mamiko at Tavi, sobrang aliw. Nagpupumiglas pa nga si mamiko tuwing nababasa. Di lang yun, pumipikit pa at tinataas ang ulo. Feeling niya malulunod ang boat. Haha. Balak pa nga tanggalin ang seatbelt. Ang sakit nang tiyan namin sa kakatawa. Sobra. Haha.
Nag-aya pa kami nang isa pang round kaso ayaw na. Gininaw sa pagkakaligo niya. Haha. Kaya nagbihis na kami. Inutusan tuloy akong kunin ang damit nila sa sasakyan. At doon lang nila na-realize kung bakit ko sila pinagdala nang extra damit. Haha. Success!!! After magbihis, picture-picture uli!!!
And for the last presentation, may isa pang dance number lahat nang dancers nang Enchanted Kingdom. Kami na lang nang kapatid ko ang nanood. Napagod na ang mga thunders. Hehe. Three sets of dance yung last show.
At siyempre, after the show, nagpa-picture kami nang kapatid ko. Nakahanap din ako sa wakas nang pagkakataon magpa-picture doon sa babaeng tribal dancer. Meron din doon cute guy na dancer na nung sinabi ko kung pwede magpa-picture, aba, hinatak ang dalawang babaeng dancer. Akala, straight ako. Kainis! Hehe.
Pagkatapos, lumabas na kami at magsasara na ang park. Pero bago yun, dumaan muna kami nang kapatid ko sa souvenir store. Bumili kami nang parehong enchanted kingdom na jacket. Magkaiba lang kami nang kulay. Coot coot!
At siyempre, to end up our enchanted kingdom journey, nagpa-picture kami sa labas together with the Wizard statue. Kahit ilang oras lang kami doon, sobrang sulit. Nag-enjoy si mamiko nang sobra. At gusto pang bumalik!!! Hala!
Gutom na gutom na ako noon. Umalis na kami at hinatid sila Tajoy sa Sta.Rosa bayan. Hay! Ang traffic. Sumakit ang paa ko sa clutch. Hassle! Paglabas nang Binan, nag-express way na kami. Hindi ko na kaya ang gutom. Pagdating sa house, kain agad. Attack!!! After, nanood lang nang TV. Maya-maya, bagsak na sa kama. Hehe.
To sum it all, I am very happy that I was able to make mamiko's birthday celebration a memorable one. We only live once. And we only get to have one mother for that. The one given to me is very extra-ordinary. And I love her for who she is. She was there for me all the time. Kahit may sapak minsan, love ko pa rin yun. Love you mamiko!!!
In fairness, mahigit dalawang oras ako dito sa entry na ito ha. Kapagod! Hehe. And this was the text that mamiko sent to me today. Hindi kasi siya vocal at expressive sa mga mushy feelings. Hehe.
"Thanks for everything...
For yesterday and for the other day..."
For yesterday and for the other day..."
No comments:
Post a Comment