January 7, 2009

Welcome Back Raech!!!


Welcome back to the team Raech!!! After being borrowed by the Training Department as an Intern for how many months, you're now back in your true home. Ang babaeng may "Walt Disney" sa closing spiel niya. Hassle! At siyempre, after a long time, narinig ko na naman yun sa kanya kanina habang nagca-calls. Katabi ko siya eh!

We missed you. Ang babaeng nagpasimuno nang mga R&R stuff sa team. Ang babaeng parang may boom box sa lalamunan at parang bahay lang niya ang opisina. Ang ingay ingay. Minsan nakapaa lang pag naglalakad sa floor. At kung sino sino ang nilalait. Hehe. That's Raech. Ang babaeng ipinanganak na certified "Bitch" din. Ay, if you know her, try to know her stories, mawiwindang kayo sa kabaliwan nitong babaeng 'to.

She's not only a teammate but a good friend din. Ilang beses na akong di iniwanan nitong babaeng ito. Ang bilis niyang ma-pick-up ang laman nang utak ko (which few people can do). Alam din niya ang mga ways to deal with my greatest weakness. Siyempre, secret na lang yun. Hehe.

I'm glad you're back. After kang nilampaso pero bumangon ka naman at dinurog sila while you were in training, balik ka na sa lungga mo. Dito, walang pwedeng gumalaw sa'yo. Wala talagang pwedeng gumalaw sa team ko. Ako mismo makakabangga nila. Mata lang ang walang latay mode si TL!!!

Again, welcome Raech to your home!!!

No comments: