January 18, 2009

Loving Ruins

Nagyaya kahapon si mamiko pumunta kina Tita Angel sa BF Homes dahil nagluto siya nang Lumpiang Sariwa. Gusto niyang dalhan si tita. Since wala naman akong lakad, pumayag na akong maging driver uli. Umalis kami nang 3:30pm at dumating kami doon nang 4:00pm. Balak ko pa sana idaan na lang siya doon at magsimula nang mag-gym sa Golds kaso ayaw pumayag. Hay!

Nagmerienda lang kami in short doon. Pagkatapos kong kumain, pumunta muna ako nang Ruins at papapalitan ko yung 3 films na nabili namin ni Nathan before. Ang press release ko, di gumagana pero ang totoo, ayaw ko lang yung movie. Walang impact kasi yung simula. Pag ganun kasi, ayaw ko na agad sa movie na yun.

Pagdating doon, nang makakita ako nang parking spot sa may BPI Bank, kinuha ko na agad kahit medyo malayo pa siya sa Ruins. Carry na, kasi makikipag-singitan pa ako doon, ang hirap nang parking. Di bale nang maglakad. Enjoy naman yun sa akin.

Pumunta agad ako kay ate suki. Akala ko makakalimutan ako. Good thing, naalala pa niya ako. Nagpa-cute muna ako para hindi mahalata ang modus operandi ko. Hehe. Kinagat naman kaya napalitan. Kaso ang karma, nabilog niya ang ulo ko at napabili na naman ako nang sampung DVD. Hay! I swear, ang galing mag-sales talk ni ate.

Kaso ang nakakainis, sa sobrang pagka-alala niya sa akin at galing rumapport, tinanong ako kung nasaan daw si sir na kasama ko dati. Hala! Napatigil ako literally. Hindi ko alam kung gusto kong ibato lahat nang DVD sa tindahan niya sa tanong na yun. Haha. Ang sagot ko, "Andoon sa Pangasinan, naglululundag sa mga isla...". Hehe.

Nagtanong uli, "Kuya, sino manonood nitong Bolt? Mga pamangkin mo?". Sabi ko na ako ang manonood, hindi mga pamangkin ko. Aba, ang sagot sa akin, "Ano ba yan kuya, ang laki laki mo na, nanonood ka pa nang cartoons. Gusto mo nang bold?". Waaaah!!! Ang sarap i-untog ni ate. Nawindang ako.

Nang matigil sa kaka-usisa, sabi ko magpa-picture kami. Di ba! Hindi ko pa rin pinalagpas. Pumayag naman siya. Nag-ayos pa at tinawag yung kasama niya para kumuha nang shot. Hala! All-willing si ate. At ang sabi, "Kuya, pag panget yung shot, ide-delete ko talaga. Mag-agawan pa tayo nang telepono mo. Promise..". At may promise pa talaga ha. Hindi ko kinaya talaga si ate.

Kay ate na lang muna ang spotlight. Ayan siya. Si Miriam.

At eto pa ang mga huling hirit ni ate. "Kuya, yung sukli mo, sa labas ko ibibigay para makita nang mga tao na napakadami mong binili at madami akong benta. Iinggitin ko sila...". Hala! At ginamit pa ako sa isang palabas. Artista ito si ate. At ang pinakahuling banat, "Kuya, akin na nga ang number niyo...". At utos ito ha. Lupet. At binigay ko naman ang number ko. Hahaha.

Hay! Aliw sa Ruins. Babalik at babalikan mo talaga. Lalo na kung may suki kang katulad ni ate. Magugulantang ang mundo mo sa kanya. Hanapin niyo si Miriam doon, tiyak na masisiyahan kayo. Hehe...

No comments: