January 17, 2009

Sabado Series Part II

Dumating ako sa shop ni Jem around 5:45pm. Good thing at walang traffic. Actually nakalimutan ko pa yung way, hindi ko rin siya ma-contact for some reason to ask for directions kaya nagrely na naman ako sa photographic memory ko. Buti na lang at biniyayaan talaga ako nang gift na yun. I found my way din to her shop.


Nauna akong dumating kay Jze. Busy-busihan si businesswoman. Pero wala nang pinalagpas na sandali. Nagkwento na nang mga eksena niya noong New Year. Kaaliw talaga itong bestfriend ko. Nakipaghabulan ba naman sa boyfriend niya sa buong kamaynilaan. Hassle! May sapak din. Pareho talaga kami. Sige lang ang kuwento habang nagtutupi nang mga damit. Hehe.


Pagdating ni Jze, sunod sunod din ang dating nang mga customers. Kaya sa sulok lang kaming dalawang asungot. Hehe. Pero kailangan nang magsara at hindi kami makaka-alis. Nagvolunteer na ako kaso di pala ako marunong magsara. Hehe. Yung tao na niya ang gumawa. At least, nag-offer ako. Hehe. Siyempre, eto na ang ginawa namin pagka-close nang shop:


Kulet noh! Hehe. Yan lang ang mga kaligayan namin sa buhay. The three Js: James, Jem and Jze...


To be continued...

No comments: