January 7, 2009

Rice and Ice Cream


8 days na akong hindi kumakain nang rice. Yey! Yes. TL gained weight. Sunod sunod kasi ang mga okasyon. And yes again, hindi pa rin ako nakakapagsimula mag-gym sa Golds. Hay! Nakakainis, ang bilis ko talaga lumobo. Ang bagal ko naman pumayat. Grrr!!!

Natutuwa ako kasi nagagawa kong hindi magkanin. Matinding mind-setting lang talaga. Self-control. Although dati, for a year akong di nagkanin. But don't think na pumayat ako. Hindi din. Kasi naman, may matinding kalaban. Ang Ice Cream!!!!


Ewan ko ba, yun ang hindi ko matanggal sa sistema ko. Feeling ko, pag natanggal ko na yun, papayat na ako. Pero good luck. Parang yosi ang ice cream sa akin, napakahirap tanggalin (btw, hindi ako nagyoyosi ha).

Sana magtuloy tuloy na ito. At wish ko lang, makapag-gym na talaga ako. Malapit na ang summer. Dapat nang simulan ang seryosong pagpapa-payat. Hay. Ipasara na nga ang mga kumpanyang gumagawa nang ice cream. Lecheng temptation yan. Irresistable!!!

2 comments:

Anonymous said...

ICECREAM!!! We bonded over ice cream!

Mac & Hubbee said...

Oo nga. I remember that day. And that place in Glorietta. Hehe.