January 11, 2009

Videoke sa Kapitbahay

Pagkauwi sa bahay nang 9:30pm, since naka-leave ako today, wala akong maisip gawin. Original plan kasi, monday ang kita namin ni Nathan. But since it was changed, I decided to use pa rin my leave kasi wala pa rin akong masyadong tulog. Pagdating, narinig ko ang kababata kong si Imbang na kapitbahay namin na bumibirit nang "Foolish Heart". Hala! Nainggit ako, attack si TL sa house nila para kumanta.

Diane, TL and Imbang

Kanta to the max lang kami ni Imbang, Diane at nang kapatid ko hanggang 11:45pm. Mga walang magawa. Pero sila ang malupit. Kanina pa daw silang 5:30 nang hapon nagsimulang kumanta. Wow! Mga adik! Kamusta naman yun. Saya di ba! Hehe. Parang nabiyak na mga lalamunan namin after. Tapos ang mga pinapakain pang food sa amin ay Buko Salad, Gulaman, at Ice Cream. Why not! Toncilitis ito!

Diane and TL

I missed hanging out with these friends. Dati kasi, nang mga church days ko, sila yung madalas kasama ko. Kung ano-ano kasing production ang ginagawa namin. Nasa Music and Creative Arts kasi kami. Those were the days. Hay! Kaya walang humpay na reminiscing kanina. Hehe. It was a nice way to kill time before 12am so I can greet Nathan on his exact birth day. Galing! Hehe.

No comments: