January 9, 2009

Jze's unique replies


April 29, 2007
Walang magawa. Off sa trabaho. Nasa bahay lang. Si Jze, may pasok. In-email ko. Malungkot pa rin ako that time noon sa isang matinding break-up. Mababa ang self esteem. Nagkuwentuhan kami. Basahin ang nakakaliw na mga reply niya sa mga baliw kong email last 2 years. Hehe.


crazy_TL
Hoy!!!

jze_guion
At bakit gcing kpa?

crazy_TL
Syempre gabi, gising ang bampira... May kwento ako sayo..... Alam mo bang nagchat ako. And guess what kung sino ang nasa room? Si Dave. Bagong gupit, bagong kulay ang buhok, at siyempre photogenic ever sa cam. Ang lolo mo, dinedma ko. Viniew ako, nang makita ko, labas agad ako nang room.

Ilang minuto pa lang, tumawag using his smart. First time ever. At ang banat ko, "Hello, sino ito?". Haha. Ang lolo mo, iba na ang tono, maamo na. Kinakamusta na ako. Tinatanong kung namimiss ko daw siya. Sagot ko, hindi na. Tanong niya, bakit. Sabi ko "Sabi mo kalimutan na kita. sinusunod ko lang payo mo". Sabay baba nang telepono.


Etong si ako, na extra challenge, balik nang room, buo ang loob, ginamit ang cam, nagtanggal nang t shirt, show nang upper body (without showing the tiyan) hehe. Ang mga hitad sa room, nagview sa akin. Si dave, nagpanic, tawag uli, naglalambing at kung ano ano ang sinasabi, si ako, patlang. Dedma. Kinarir ko ang room. He stayed.

Nagsesend nang message sa room nang mga sentiments niya habang ang mga tao, walang humpay sa pag ask nang info sa akin. Nagselos, in-announce na naging kami. Nahaggard ako. In-announce ko din na hindi kami naging kami. Nagdrama ang lolo mo sa room. Naintriga ang mga tao, inusisa kami. Nahaggard ako.

Tapos may kumarir sa akin, hindi kinaya, kasi pinatulan ko, nag log out ang mokong. Ako naman, hindi naman siya ang dahilan, so i stayed. And guess what, mabenta pala ako online. Haha. Gusto ko sanang mangarir. Pero after everything, narealize ko, walang kwenta.


jze_guion
Kaya nyong mang haggard ng mga nananahimik sa chatroom... Ano ba yan, abot hanggang cyber space ang drama ng buhay mo... Hay naku... Si dave BALIW na yan sa u... Wag na patulan kc.

POINTS NA NATAWA AKO:

>> at siyempre photogenic ever sa cam (kinilig?!)

>> etong si ako, na extra challenge (what an experience! t.v show?!)

>> nagtanggal nang t shirt, show nang upper body (without showing the tiyan) hehe (mapanlinlang! hayup)

>> nagdram,a ang lolo mo sa room. naintriga ang mga tao, inusisa kami... (may interrogation... SUPREME COURT?)

>> mabenta pala ako online. haha. (ginawang Palengke ang chatroom?! Isda kba?)


P.S.

Nagulat naman ako sa nobela mong reply... Ang tanong ko lang naman "Bakt gcing kpa?". Ang sinagot mo isang episode ng soap opera.. Musta naman yun? Hehehe!


crazy_TL
At siyempre, naghahalakhak na naman ako mag-isa dito. Alas tres nang umaga oh. Panalo ka talaga sa mga komento mo. Pero seryoso, I rarely go to chat rooms coz I know di naman ako mabenta. Aba, nalinlang sila. Pampaboost lang nang morale. Hehe. May tanong ako, may dating ba ako jze? Sagutin nang makatotohanang sagot nang tunay na kaibigan.... Haha.

jze_guion
Na-haggard ako sa tanong mo...

Ano kba, hindi pa ba obvious ang mga proof?

>>jeff

>>dave

>>ricky

>>aaron

>>buong tao sa chatroom

>>at marami pang iba


Eto na lang, alam ko gwapo ako pero yun lang ang maipagmamalaki ko.. Siguro sa takdang panahon, sa tulong mo, magiging mabuting tao din ako...


Pero ikaw naman, kahit hindi pa kita friend, pwede kong sabihin na, maliban sa ugali, physically attractive ka... Tanga lang tlaga si ex para bitawan ka... (sorry for the word)


... pero mas gwapo lang ako sa'yo. Konti lang naman (bawal kumontra.. ok na!)


Seriously, minsan lang ang taong may dating at may magandang ugali... Wag mabahala... Pasok ka sa banga!


Hindi nga lang kita type. Hehehe!

crazy_TL
Hahaha!!! Panalo!!!!

May listahan ka? Hehe. Eto walang kaplastikan at walang halong pagpapahumble effect ha pero hindi talaga ganun ang tingin ko sa sarili ko. Alam mo bang malaki ang self pity ko sa katawan ko na isa sa mga kinaiinisan sa akin ng ex ko. Hindi ko alam pero I always feel I am worse. Pero knowing this from someone like you, ang sarap paniwalaan!!!! Bwahaha.


Hoy jze, hindi kita nakilalang masamang tao. Nagkaroon ka nang kalokohan pero di kita natingnan na di mabuting tao. Hindi naman tayo siguro magiging magkaibigan kung masama ka.
Alam ko naman talagang sa istura, lamang ka. No questions asked na yun. At never akong makikipagkumpitensya doon. Sayo na ang titulo na yun. Hehe. Masaya na akong nasa backstage ako. Hehe.

jze_guion
Naku naman.. Kung ganun nga si ex mo na may kapintasan xa sa katawan mo, e baka hindi partner ang hanap nya... Baka pang display... Alam mo na hindi lahat ng tao ang hanap katawan lang sa isang partner...

If that issue will make your self esteem lower.. WAG... Mabenta (your word) ka naman dba kahit d ka mag gym, ang mga nakukuha mo pa nga Class A pa... No worries noh... OK ka na... Tama na yang pag se-self pity... Hindi issue yun...


Kilala mo ko, hindi normal sakin ang magbigay ng positive comment.. Kaya MANIWALA ka sakin...



And after that conversation, nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. I swear. Ibang-iba na. Wala na akong hinayaang tao na makakapagparamdam sa akin na mababa lang ako. And that's who TL is nowadays. Taas noo kahit hindi kaguwapuhan. Hehe. It's all about confidence...

Thanks Jze!!!!

No comments: