January 7, 2009

Happy Birthday Friends!!!

Three people who are close to me celebrated their birthday last January 05, 06 & 07. Ang saya di ba! Magkakasunod sila. Kaya everyday ang pagbati ni TL nang "Happy Birthday". Hehe. Unahin muna natin si Jeff.


My longest PLU friend ever! Siya ang nagbukas nang mundo ko sa Pink World. Hehe. Hindi ko sukat akalain na sa araw nang birthday ko last 8 years ago, magku-krus ang landas namin ni Jeff. Simula noon, nag-iba na ang mundo ko. Siya ang mentor ko. We remained friends for so long.

Nanatili ang respect sa isa't-isa and shared a lot of experiences in life. Sobrang dami na namin napagdaanan. Tried and tested na ang pagkakaibigan namin. If you are single, and feels interested with my friend, just let me know (haha, binugaw ko ang friend ko, which I always do). Hindi kayo magsisisi. Happy Birthday Jeff!!!
Hehe.


Next is Carol. Yung pangatlo sa picture. Oh di ba! Parang ako yung celebrator, kasi ako yung nasa gitna. Hehe. Sobrang aliw kasama si Carol. Basta usapang "sex", buhay na buhay ang energy. At kung tumili, daig pa ang may "ka-jerjer". Hehe.

Binuhusan siya nang diyos nang tangkad nung pinanganak siya. Hay! Malupet pa sa trabaho. San ka pa! Nagdala siya nang spaghetting pababa, pababa nang pababa kahapon. Yun yung kinain namin nung lunch namin. Sarap!



At ang pinakahuli, si Mr. Miyagi nang team, si Rob. Actually, siya na ngayon ang most sought after na Hot Daddy sa team. Kasi parami na nang parami ang pera. Kaya ang mga babae, dumidikit na sa kanya. Bwahaha.

Mukhang malapit na ring ma-promote ito. Sana! Siya ang lalakeng Carol sa team. Mahilig din!!! Hehe. Bumili naman siya ang food sa Ambers kanina. This time, pancit palabok at pitsi-pitsi naman kami. Free food again!!! Woohoo!!!



Again, Happy Birthday guys!!! TL loves you!!! Kasi ang sasarap nang mga free food. Woohoo!!! Hehe. Next naman sa team, sina Raech at Stephen. Sana may free food uli. Hehe. Shucks! Malapit na din ang birthday ni mamiko, january din siya...

And of course, Nathan's birthday is on monday na. Excited na ako. Magkikita na kami ulit!!! Pinayagan na din ako nang SL ko mag-leave. Yey!!!

No comments: