January 30, 2009

Mamiko's Birthday Series I


Last wednesday, January 28 was mamiko's birthday. Kasabay nang kasal nila Ka-ye at Chris. However, I decided to have the celebration na lang nang 29 kasi may kasal nga at may pasok din ako noon (hehe, inuna ko pa sila ka-ye. why not!). Yung 29 ang approved na leave ko kaya minove na lang ang celebration. Pumayag naman siya.

Everyone knows I love celebration. Tuwing birthday ko, I make sure there's a celebration. Pamahiin ko na yan. Kaya kung sino ang may birthday sa bahay, excited ako sa pagtanong kung anong plano. When I asked this to mamiko nang 2nd week pa lang nang January (see, excited ako), ang sagot sa akin, "
Wala! Pupunta na lang ako sa San Pablo, magtatago, wala naman kasing pera..".

Nalungkot talaga ako sa sagot niya. At that time, wala na din akong masyadong pera. Nagkasabay sabay kasi yung renewal nang insurance ni Khenzo. Akala ko naman papadalhan siya ni daddy. Ramdam ko yung lungkot sa sagot niya. That pushed me to really make a way para makapaghanda at ma-celebrate ang birthday ni mamiko. Ako pa! Maparaan akong tao.


12pm na ako naggising nang thursday. Nag-ayos, naghilamos, nag-toothbrush at nagpalit agad. Umalis na ako to order stuff on different places. Ang gas ko, konti na lang that time. Ang sweldo, sa 30th pa. Lakasan na lang nang loob, maipaghanda lang si mamiko. Kinansel ko na din muna ang appointment ko with my trainer sa gym. Birthday muna ni mamiko ang priority.


Una kong pinuntahan, ang Contis sa BF Homes. Bumili ako nang 1 Manggo Bravo na large, 2 boxes of Mamonitos at 2 orders nang Leche Flan. Sobrang init. Tanghaling tapat. Pero go-go pa din. Muntikan pa akong madehado sa guard dahil lumabas ako nang BF. Eh bawal yun. Buti na lang nadaan sa english at natyempuhan ang isang ulyanin na guard. Siya yung tinuro kong pumayag sa akin lumabas. Eh hindi naman. Lumusot lang talaga ako. Buti na lng!!!


Next, I went to Yellow Cab to buy two 18" na Barbecue Chicken pizza. While waiting, bumili na din ako nang two gallons of Rocky Road ice cream na favorite ni mamiko sa South Supermarket. Pagbalik sa Yellow Cab, di pa din tapos. So, tumawag ako sa Amber to order Pancit Malabon na good for 25 person, 40pcs na BBQ at 120 pcs na pichi-pichi. Pina-deliver ko na lang sa house at di na aabot talaga yung gas ko. After nung pizza, I went home na.


Pagdating sa house, sobrang sakit nang ulo ko sa init. Kaya umidlip muna ako sa room. Nagpaluto ako sa tita at cousin ko nang menudo, fried chicken, lumpia, carbonara, gelatin, salad at biko pampadagdag sa handa. Bumili na din nang puto at ibang fruits. I then realized andami na pala. At least, nagkasya ang budget at naipaghanda ang birthday.


Paggising ko, may mga bisita na. Nag-ayos na ako at katulong mode ako that day. Kaya talaga ako nag-leave at walang inimbitahan kasi alam kong mag-aasikaso ako. Gusto ko kasi i-enjoy lang ni mamiko ang birthday niya. Inilaan ko na talaga ang sarili ko bilang katulong. Naghanda, nag-ayos, nagpakain, nagligpit. Yan ang mga ginawa ko. Hehe. Pero bago nagpakain, kinuhanan ko muna nang picture si mamiko together with her handa.


Madami din ang nagpunta. In fairness. Nagsimula dumating ang mga bisita nang 4:30pm, natapos nang 11:30pm. Kapagod. But I was very happy. Nakita kong masayang masaya si mamiko. At siyempre, tuwing may pupuri sa madami niyang handa, lagi niyang sinasabi na hinanda ko yun. I feel happy and fulfilled. All I wanted is to celebrate her birthday.


Habang nagliligpit na kami, I asked her if she enjoyed. Ang sagot? "
Hindi lang enjoy, pagod na pagod ako..". Hay! Hindi talaga expressive si mamiko. Hehe. This is just the first part of my birthday plans for her. Meron pa the next day. Abangan sa next entry...

HAPPY 54th BIRTHDAY MAMIKO!!!
To the mother that I will always love and care!!!

No comments: