January 8, 2009

TL is sick


Ganito ang itsura ko kapag may sakit ako. And today, for some weird reasons, pagka-gising ko, ang bigat bigat nang pakiramdam ko. Ang init-init nang feeling. Hirap akong bumangon. Sa di alam na kadahilanan, may lagnat ako ngayon. Hay!

Hindi naman ako naambunan kagabi. Hindi rin naman ako sobrang pagod sa trabaho. Hindi rin naman ako puyat o kulang sa tulog. Nakakapag-pahinga naman ako. Kumakain naman din ako. Pero bakit ako nilalagnat ngayon. Ang weird! After ni nathan, ako naman. Hay!

Dahil kaya namimiss ko si nathan kaya nagkasakit ako? Isinumpa kaya ako ni Pedz kagabi dahil hindi nagtagumpay ang balakin niya? Hehe. Nakagat ba ako nang lamok na may denggue? Dahil ba hindi ako kumakain nang kanin kaya bumigay na ang katawan ko? Dahil ba hindi na ako nag-ggym? O dahil kulang na ako sa toot-toot? Haha.

Hay! Ang lungkot. Gusto ko pa naman magtrabaho. Wala na naman akong gagawin dito sa bahay. Ang bagot kayang tumunganga. Pinainom na ako nang gamot nang malupet kong nurse, si mamiko. Hay! Sana nandito si nathan sa tabi ko. Hindi ko sinabing may sakit ako. Baka mag-alala. Gagaling din naman ito. Sana agad-agad. Nang makapasok din mamaya. Hay!

No comments: