January 17, 2009

Sabado Series Part III

While on our way to Multi-National village, mega interview na sa akin si little brother Jze sa sasakyan (as usual). Tanong nang tanong sa akin about nathan. Hindi ka talaga pwedeng hindi magkwento. Magagalit. Kahit anong tago at iwas mo. At di rin pwedeng mawala ang sermon. Part na talaga nang agenda nang pagkakaibigan namin yun. Sesermonan ka talaga to the max. Sanay na ako. Hehe.

Pagdating sa bahay nila Jem, madami nang tao. As always, pag may okasyon sa kanila, laging engrande. Naghintay kami sa sala habang nagpapalit si Jem. Nang dumating si Stan kasama ang friend niyang si Jeff, lumabas kami at nakipagkuwentuhan muna habang naghihintay pa rin kay Jem. Siguro mga 30 minutes na yun. Hay!

Gutom na ako. Kaya paglabas ni Jem, attack na agad kami sa food. At ang kinain ko? Isang sandok nang pansit, barbecue chicken at fried chicken. Hindi ko alam. Alam kong gutom ako pero yun lang ang feel kong kainin. At pagkatapos kumain, nag-crave na ako nang matamis (as always). Kaya nag-aya si Jem bumili nang ice cream. Aba! Siyempre, nanlaki ang mata ko, go na agad! Hehe.

Nag-aya akong maglakad sa loob nang village nila. Wala lang. Trip lang. Pampatagtag nang kinain. Siyempre, si Mr. Lakad ako. Pumayag naman sila. Hehe. Galing! First time ni Jem gawin yun sa village nila. Woohoo!!! At siyempre, nang dahil magkakasama kaming tatlo, pag nakakita nang pagpoposingan, go go go kami. Hehe.


Pagdating sa grocery store, ICE CREAM na!!!! Waahhhh!!!! At ako ang pinapili. Spell spoiled TL!!!! Hehe. And what else can you expect, pati grocery store, hindi namin pinalagpas. Picture picture lang!!! Woohoo!!!!


Hindi lang isang galon nang ice cream ang binili namin. Bumili pa kami nang tig-iisang ice cream bar. Hehe. At siyempre, ako ang promotor. Kinain namin siya habang naglalakad pabalik. Pagdating sa house, nag-inuman na sila. Siyempre, ako, hindi naman ako umiinom, tubig ang hinanap ko. Kasi ang tamis nung ice cream bar. Hehe.


Siyempre, kung sila nag-eenjoy sa beer, pulutan at kung ano-ano pa, ako naman, yung isang ice cream. Hehe. Takaw!!! Shet! At alam niyo kung ano ang naging part ko sa grupo? Taga kanta!!! Videoke to the max ito. Inagaw talaga namin ang video kahit maraming bisita. Nagsasalitan lang kami ni Jem. Si Jze ang tagahanap at tagapindot nang mga kanta. Hehe. Concert ito!


Kahit si A.C. na pamangkin ni Jem at inaanak ko, join din sa pagkanta. Di ba! May pinagmanahan. Inangkin namin talaga kasi yung videoke. Hehe. Sing lang hanggang sa mag-alisan na lahat nang bisita. Natapos kaming kumanta before 12:00am. Hehe.


Ayan, kami na lang ang natira di ba. Nalinis na at wala na yung catering service. Natira ang mga matitibay. Hehe. Pero hindi na rin kami nagtagal. Umuwi na rin kami after magpaalam kay Titatot. Yes, yan ang tawag ko sa nanay ni Jem. Makulit din kasi yun eh. Hehe.

And that's the end of my Sabado Series. Hectic noh. Pero masaya. To more weekend series!!!

No comments: