January 17, 2009

Sabado Series Part I

Sabado. Birthday nang mom ni Jem. Invited ako tsaka si Jze. Sa laundry shop niya ang meeting place. 6:00pm ang call time. Umalis ako nang bahay nang 2:30pm. Bakit maaga? Hindi ako excited ha. Kasi magkikita kami ni Jay. Yeah, si ex. Pag pupunta kasi ako nang Manila, sinasabay ko nang bumisita sa kanya. Lagi niya kasing sinasabi, hindi man lang daw ako bumibisita.

May pasok siya pag sabado. Nung sinabi kong pupunta ako, natuwa. Punta daw kami nang Intramuros at special feature ang Mindanao sa Wow Philippines. Magdala daw ako nang camera. I arrived there around 3:30pm. Pagka-park, tinext ko na. Pagkakita sa car ko, pumasok na agad siya. Tinginan. Ngitian, Kamustahan. Hinawakan ang kamay ko, and then he gave me a kiss.


Nagulat ako. Pero hindi ko siya pinigilan. I don't know. Namiss ko siguro yung kiss niya. Kiss lang naman eh. Hehe. Tinanong niya kung sino daw ang partner ko ngayon. Ngumiti lang ako. Buti na lang at hindi siya nagbabasa nang blog ko. Hehe. Binaling ko sa ibang usapan. Mahirap na.

He gained a few weight. Niloloko ko siya kasi hindi na flat na flat yung abs niya that time. Na-challenge na naman, he asked me to give him a week at ibabalik daw niya yung abs niya. Fine! Yabang talaga. Hehe. After, pumunta na kami sa Wow Philippines. Naglakad lang kami kasi malapit lang. Alam niyo naman si TL, mahilig maglakad. Hehe.


Manila Cathedral


Iyan ang office niya. Katapat lang nang Manila Cathedral. Nakakatuwa. Nagkalat sa paligid ang ang mga koreans at americans. Lahat sila may dalang SLR. Shet! Nakakainggit. Pareho namin gusto ni Jay magkaroon nang SLR. Grrr!!! Picture everywhere ang mga foreigners. Natuwa sa Maynila. Hehe.


Siyempre, pahuhuli ba ako? Of course, hindi!!! Kasama ko pa si Jay na mahilig akong kuhanan nang picture. Hehe. Ang ganda nang Intramuros. Na-maintain ang hispanic look. Pati mga guards, naka-guwardiya-sibil attire. Saya di ba. Pagdating naman doon, nag-enjoy ako masyado. I have always loved the colorful culture of Mindanao. Ang kulay kulay nila.


Andaming Mindanao products na mabibili dun. Authentic pa. Nakakita kami anng Muscuvado sugar. Bumili ako. Para kay mamiko. Matutuwa yun. Binilhan ko din si Jze. Si Jay, binilhan si mamiko nang Tinaktak. A mindanao delicacy. Actually mukha siya pang body scrub. Hehe. Pero masarap daw yun. Nakakita din ako nang mga Mangostene products. Di ako nakabili. Ang mamahal kasi. Kainis!


After naming maglibot libot (actually ayoko pa ngang paawat eh, nag-eenjoy ako), nagyayang kumain nang bibingka sa labas si Jay. Hihintayin pa sana namin yung live performance sa loob kaso di namin alam kung what time magsisimula kaya pumayag na akong lumabas. Takot si TL kay Jay eh. Hehe.


Habang lumalabas, sinusundan ko lang siya. Tinitingnan. Sinasabi ko sa sarili ko na, "Hmm.. Likod pa pa lang, yumyum na..". Hehe. Of course, I'm just kidding. I was actually checking my self kung naka-move on na talaga ako after the last meeting. And indeed, it was a yes. Masaya akong nakita ko siya uli pero wala na yung dating feeling.


Pagkalabas, isa na namang magandang street ang nakita ko. Shet! I'm really falling in love with the place. Ang ganda. Ramdam mo yung old city. Actually, andami kong nai-imagine na pagpo-pose-an. Hehe. Kaso limited yung oras. Pupunta pa ako kina Jem. Kaya nagmerienda na kami. Dinala niya ako sa tindahan na nagtitinda at gumagawa nang masarap na bibingka. Yumyum!


Umorder na agad siya. Gusto niya kasi na lagi kong natitikman yung masasarap na pagkain na nadi-discover niya. Pag umaayaw ako, nagagalit yun kaya kailangan kakainin mo talaga. Treat naman niya eh. Siya, alam niyo kung ano ang inupakan? Ang masarap at mainit na Balut nang Pateros sa katabing tindahan nang bibingka. Hehe. Saya!


This is what I actually enjoy with Jay. Simple life. Lagi niyang sinasabi that I have always been pampered with a high-scaled living. He wants to introduce me to the other side of life. Akala lang niya yun. Pero mas nag-eenjoy talaga ako sa tambay tambay lang, biyahe-biyahe, kung ano-anong trip lang. Not the usual na movie watching, dinner sa restaurant, attend parties and affairs. Mas enjoy talaga ako sa lahat nang trip ko with Jay.


It was 5:00pm already and I asked him to go back na kasi pupunta pa ako kina Jem. Baka ma-traffic ako. Hinatid na niya ako pabalik sa car. Sumakay pa siya. Hinawakan uli ang kamay ko. Hindi ko alam but he gave me a kiss again. Over na rin kaya talaga siya sa akin? Ayoko nang malaman ang sagot. I left and enjoyed the time with him. It was worth of my time. He sent me this text while I was driving:

"Thanks talaga sa pagpunta dito..
I am happy dahil walang nagbago sa atin..
Huwag uminom ha at ingat sa pagmamaneho..
Mwah.."


To be continued...

No comments: