January 8, 2009

Cats and our Life


While on my way home last night, muntikan na akong may masagasaan na pusa. It freaked me out. Ayoko kasing may masasagasaang kahit anong hayop. Covenant namin yan ni Khenzo. Kahit nga may makita akong nasagasaan na pusa, hindi ko kayang tingnan din. Good thing, nakaiwas ako at walang nangyari sa inosenteng pusa kagabi. Hehe.

But after, it made me ask a lot of questions. Lasing ba yung pusa? O naka-drugs ba siya? Hindi ba niya napansin ang malaking sasakyan na parating? O may oras talaga na nawawala sa katinuan ang mga pusa kaya madalas nasasagasaan? Out of curiousity lang kasi bihira lang naman na may makita kang aso na nasagasaan di ba. Or daga. Or does cats worry less about these accidents because they know they have 9 lives (if that is even true)?

But after asking those, it made me think again of things relevant to our lives. Ganun din ba ang tao kapag alam nating meron pa tayo kaya we less worry? May this be in a form of money, love, relationships, work, friends. We sometimes forget to value what we have and don't give too much importance to it. Hihintayin na lang ba natin na masagasaan tayo bago natin ma-realize ang lahat nang meron pala tayo?

Hay! Lecheng pusa yan oh. Napag-isip ako nang todo-todo. Eh kung sinagasaan ko na lang pala, tapos na agad. Hehe. Just kidding. On a serious note, that cat gave meaning to things I have in my life last night. A small reflection I just want to share to everyone...

No comments: