January 31, 2009

Happy Birthday Tita Lea!!!

Meron kaming kapitbahay. Mag-asawang oldies. Ang trato namin sa kanila, parang tunay na lolo at lola namin. Ang trato sa kanila ni mamiko, parang tunay na magulang. Ang trato din naman sa amin, parang mga anak at apo din. In short, lahat nang relatives nila ang trato sa amin ay kamag-anak. Kasama nila sa bahay ay dalawang katulong at isa nilang anak na hiwalay sa asawa.

Yun si Tita Lea. Ang may birthday kasabay ni mamiko nung January 28. Kaso, kagabi siya nag-celebrate kasi kagabi lang free yung mga anak niya. So ang bisita lang was mga anak niya at kami. Napilitan na akong pumunta kasi kami nga lang talaga ang imbitado. Tamad lang akong pumunta dahil sa dalawang bagay.

First, alam kong pakakantahin na naman ako, which hindi ako nagkamali. Tuwing may okasyon sa kanila, lagi na lang nire-request na kumanta ako nang kumanta. Although I appreciate the fact that they like my voice, kaso pwede ko na silang pagkakitaan sa dami nang request. Hehe, Just kidding.


Second, crush ko kasi yung isa niyang anak na babae. Nahihiya talaga ako pag nakikita ko yun. Parang umuurong lahat nang parte nang katawan ko. She's pretty, sexy, tall, very nice, may breeding, elegant, basta lahat nang gusto mo sa isang girlfriend, nasa kanya. Pag nakikita ko kasi siya, nagiging straight ako. Shet!

At kagabi, for the first time, nameet ko ang boyfriend niya. Shet na malagket!!! Tinamaan ako nang selos. Hassle! You heard it right. I got jealous for some reason. Nung medyo bata-bata pa kasi kami, sinabi niya sa kapatid ko na crush daw niya ako. Siyempre, dedma lang ako before. Nung lumaki na, she became this very gorgeous girl. Damn! Hay! Ang weird!!!

Anyways, Tita Lea is a beautiful young mom. Dalaga pa rin kung kumilos at kung titingnan mo, maasim pa talaga. Hehe. She has beautiful daughters and cute sons. In short, maganda ang lahi, Sana, nalahian din ako. Hehe. Below is the picture of one of her beautiful daughter, ang pinaka-baby niya sa lahat. And she has a singing voice.


After eating and singing, I left their house na. But before that, we took some pictures para remembrance daw ni tita lea. Ako naman, sa utak ko, I need to get a copy of the pictures para sa blog ko naman. Hehe, which I got the copies naman. Success!!! Thanks to the power of bluetooth. Wahaha.


Happy Birthday Tita Lea!!!

No comments: