January 3, 2009
My Room's Mystery
Last night was a scary one. It creeped me out to hell. The experience was totally unforgettable. And I still could not believe it. It has finally been confirmed. Someone's really watching me over in my room.
Last year, October of 2008, pagkauwi ko sa bahay from work, naghubad lang ako nang pantalon at natulog agad. Sobrang pagod ako. Nilagay ko lang yung jeans sa dulo nang kama ko. I never wear shorts pag natutulog. Comfortable akong matulog nang naka boxer brief lang. Paghiga sa kama, tulog agad ako. Paggising kinagabihan, something was missing.
I was about to leave for work and will get my wallet sa bulsa nung sinuot kong jeans the other day when I found out it's no longer there. Initially, you will ask the people at your house if they've seen it. So, that's what I did. When everyone said they didn't see it, which they never touch any of my stuff naman, nagsimula na akong maghagilap sa room. But it was too impossible na nilagay ko somewhere because natulog na agad ako pagdating. I did not do anything else. Pero sinubukan ko pa din.
Nang wala talaga, I called mamiko and told her that there's no sign of wallet in my room. Tinulungan na niya ako maghanap. Nagbaka sakali pa rin ulit kami. Until she saw the window screen ko eh bukas behind the curtain. Totally open. We then started thinking someone took my wallet from outside through my window. Yun na yung naisip namin kasi never naman ako nawalan nang wallet nor pera sa room ko. Hindi na ako nakapasok that night. Nanlumo ako at nagulat sa nangyari. Andoon lahat nang credit card ko, government IDs, at buo kong sweldo na kaka-withdraw ko lang. All were gone in a snap.
Nang sumikat na yung araw, chineck nang kapatid ko at nang pinsan ko sa labas nang bintana ko if there were some signs to prove na tama ang hinala namin that someone took it from outside. And they saw some footprints, at panungkit na naiwan sa bintana. All theories ended up in the idea na nanakawan nga ako. Sobrang galing nung taong yun. Hanep!
After that incident, nakakaramdam pa rin ako na minsan na parang may nakasilip sa akin. I just ignore it all the time. What we do is we just closed the window para di na mangyari yung incident na yun. Until last month, December of 2008, I was at work, nang makatulog yung pinsan ko sa kuwarto ko sa sobrang pagod from work din, naiwan lang niya yung dalawa niyang cellphone sa tabi niya. Nang maggising siya bandang 1:00am, she found out that the other phone, the expensive one, was missing. Another item, another victim, same room, same time.
This has alarmed us. Although we don't want to create any panic nor paranoia in the house, we just became more sensitive and mindful of things. But until last night again, while I was just bloggin' in my room, our as-kal dog, Brownie, started barking for some reasons. Tulog na ang tatlong maria. Ako na lang ang gising. Napag-isip ako kasi hindi pala tahol si brownie. So sinilip ko kung bakit siya tumatahol. Madilim sa labas. Patay ang ilaw nang mga poste. Nagmasid lang ako habang nakasilip. Nothing unusual. So I went back in my room.
Then hindi pa din tumitigil si brownie. Na-curious na lalo ako. Binuksan ko yung pinto sa sala. Pagbukas na pagbukas, sinalubong ako nang isang malakas at malamig na hangin. Tumayo ang mga balahibo ko sa lamig. Nagmasid sa madilim na labas. Then saw brownie still barking but looking at the area where my room window is. It then gave me an idea na baka may nakasilip na naman sa room ko. I closed the door and saw mamiko from her room. Nagising siya. I asked her if it's normal for brownie to be noisy at that time. Kasi si Thokie, may oras talaga siya na nag-iingay for his food sa umaga. Sabi niya sa akin, hindi daw normal.
Pumasok kami sa room ko. Pinatay namin ang ilaw. Sabay kaming sumilip sa bintana. Wala naman kaming nakita. Pero si mamiko, nakita niya na wala na naman yung paso nang halaman na hinarang niya sa bakod na pwedeng pag-akyatan nang kung sino lang. Ilang beses nang nangyari yun na nilalagay niya sa umaga pero sa gabi, nawawala. Pagcheck niya sa umaga, nasa baba na. It worried me. Pero pinilit kong kumalma lang. Pinatulog ko na siya at sabi ko kung naninilip yun, wala naman siyang sisilipin sa akin because I was just blogging.
I went back on what I was doing. Tumahimik na rin si brownie. I thought that was it. Until maya-maya, nag-ingay uli si brownie. Nung sinilip ko sa kabilang bintana nang room ko, I saw the dog looking at the same area again. I immediately closed the light and closed my door. Kung tama ang hinala ko na may naninilip at that time, baka mahuli ko. Besides, I really want to know na din kasi wala kaming fact na hawak sa mystery sa kuwarto ko.
Ang lakas nang kabog sa dibdib ko. Ang daming tanong sa utak ko. What if may tao nga. What if it's true. What if pagsilip ko eh mukha niya ang gumulantang sa akin. Scary di ba. But I needed to know at that time. Lakasan na lang nang loob. Dahan dahan akong sumilip. Nagmasid. Madilim. Pero dahil may matang pusa ako, kaya kong makakita nang kahit ano sa dilim. Hanggang sa na-shock ako sa nakita ko.
May lalakeng nakatayo sa gilid sa labas nang bintana ko. Nakatungtong siya sa sako nang bato na naka tambak doon at nakasilip nga sa bintana. Laking gulat ko. Nagkasilipan kami. Nagtayuan ang mga balahibo ko. The next thing I knew, I was running to mamiko's room to inform her that I saw something. Balikwas siya at balik kami sa room. Pagsilip niya, wala na. Siyempre, siguro nakita niya akong tumakbo palabas nang kuwarto kaya baka umalis agad.
It was so creepy. Sobrang nangatog buong tuhod ko. Nangyayari lang yun kapag nakaka-experience ako nang lindol o nakakakita nang fire rush. But last night, sobrang ngatog talaga. Mamiko went outside the house to check lang. It was 4:30 in the morning. Sumunod ako sa labas nang naka-underwear lang. Nawala na sa utak ko. Inisip ko kasi baka mamaya, sumugod kay mamiko kaya dali-dali na ako. Praning na ako. Hindi na kami pumunta sa may bintana. It was too scary at madilim. Paano kung may kutsilyo or something yung guy.
Hindi na nakatulog si mamiko. Worried na siya at talagang di kami tinatantanan noong taong yun. But I wonder what's the purpose of that person. Iniisip kong nagmamasid lang yun at naghahanap nang mananakaw. But mamiko believes na binobosohan ako. Madalas kasi nasa baba yung paso pag nasa house ako at walang pasok. Pero a guy, bobosohan ako? Naisip ko tuloy baka yung mga moments ko of self satisfaction (hehe) eh napapanood nun. Sabi ni mamiko, "Magshorts ka na nga kasi lagi!!". Hala! Napagbuntungan tuloy yun.
Pagsikat nang araw, nakita ni mamiko na may mga bakas nang paa sa sako. Totoo yung nakita ko. Ang ginawa niya the whole day, pinaglalagyan niya nang kung ano-ano sa may bintana para pag may umakyat, mahihirapan. I am somehow scared. I admit. Knowing that someone is watching you, that is creepy. And you have no fucking idea who the hell that person is. Ang mali ko, hindi ko tiningnan kagabi yung tao. Naunahan kasi ako nang takot. Pero kapag sumilip pa uli yun, lalakasan ko na ang loob ko nang malaman kung sino yun.
Whoever that person is, BLESS HIS SOUL...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment