First day of 2009, and first working day for TL and his team. I asked my team to wear RED for prosperity and to welcome more blessing for us. Feng Shui kuno. Everyone did except for Ash, Eric and Sherrie (Hmpf). Ang cute, para kaming nagce-celebrate nang valentines day. Hehe.
Siyempre, oustanding na naman kami sa floor kasi lahat nga kami naka-pula. I also asked them to send 9 Shared Success Award for Feng Shui purposes din. 9 for year 2009. Naks! Wala lang. Starting the year with good deed lang, making some people happy. Basta gumagawa ako nang sarili kong tradisyon. Hehe. And they follow naman.
And bago pumasok sa work, nagtext sa akin si Stephen na mala-late daw siya or half-day na lang. Ang sagot ko, "Sige ka, isang taon kang late dahil sinisimulan mo ang taon nang late..". Kaya ang mokong, pumasok kahit wala pang tulog. Natakot. Hehe. Another Feng Shui ni TL.
Ayan, mukha naman siyang masaya sa naging desisyon niya. Hehe. Si Ash at si Angel naman ang mga totoong late pumasok. Hay! Sabi ko kay Ash, "Hala! Isang taon kang late niyan..". Ang reaksyon niya, eto, ang coot coot..
And then, since naka-red kami, I decided to have a team lunch somewhere na Red din ang lugar. Of course, Feng Shui ko uli. Then we thought of Chowking-Jollibee sa Madrigal. Red kasi yung kulay nang store. So doon kami kumain. Convoy kami ni John.
Imagine, paspas ang lunch time namin kasi isang oras lang. Andoon na yung pagbaba nang building, pagbiyahe, pagpark, elevator. Lahat-lahat. Kaya ratsada talaga. Para kaming sundalo kumain. Pero siyempre, and picture-picture, hindi pwedeng mawala. Pero ang pinakapanalo sa lahat, ang highlight nang gabi, si Kumander!!! Pagkatapos maglunch, at habang nagpipicturan, bigla na lang may lumagapak sa hagdan. Nagulat na lang kami at nakita na lang namin siya bumagsak na lang. To think na katatapos lang nang isang shot nun at katabi ko lang siya ha. Aba, sign of "gaining" na talaga yun! Hehe. Ang sabi ko, "Naku, isang taon kang mahuhulog..". Hehe.
And guess what, pagkahulog, ang unang naisip ni TL eh kuhanan siya nang picture para mablog ang incident. Instead of asking how she feels, ang unang tinanong ko, "Is it okay if I take a picture of you?". Eh kaso, I asked it after taking a picture na. Hehe. Instead of helping her to get up, blog ang una kong naisip. Sweet noh. Until I realized na mali yung ginawa ko, tiningnan ko agad ang paligid. Nung nakita kong wala namang tao na nakakita, sabi ko sa kanya, "Kumander, good news, walang nakakita!!!". Hehe.
Dagdag pampalubag loob, habang tinutulungan siya ni Carol at Roxee, sabi ko pose kayo na kunwari tinutulungan niyo si Kumander para nakaka-awa siya sa picture at hindi na pagtawanan. At eto ang resulta nang shot nila...
Coot di ba! Nagpose pa rin yung dalawa. Hindi pa rin magmukhang kawawa si Kumander. Nagmukha pa siyang estatwa na pinagpose-an nung dalawa. Funnee!!! Pagdating sa office, picture picture pa rin. I told you, camwhores din sila. Like TL, like teammates.
Over-all, what I did is to start the year with so much fun with the team para puro fun kami buong taon. Wala lang, I just believe on it. I put so much relevance on the things you do on the first day of the year. And take note, hindi ako chinese ha...
January 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment