June 13, 2009

Birthday Entry IX: Jze Guion

Date Submitted: June 13, 2009

Umagang-umaga, nag text si Marco, kailangan ko daw gumawa nang blog post para sa birthday niya. Malamang gusto niya malaman kung ano pwede naming sabihin sa kanyang kabutihan. Hahahaha!

Nataranta naman ako, inisip ko English ba or Filipino ang entry.. Pero sabi ko bahala na, malamang English yung sa iba, well, magtatagalog ako, maiba lang.. Kala niyo ha!

Next na pumasok sa isip ko, ano naman isusulat ko, ano naman pwede kong sabihin, alam ko marami naman akong alam sa kanya pero injustice naman kung konti lang isusulat ko, at lalong unfair kung lahat naman i-enumerate ko, baka tugisin na lang ako ng readers niya dahil sa libro pala ang balak kung gawin at hindi simpleng blog lang.

Habang sinusulat ko ito, naisip ko, siguro ang rason bakit hindi ko makuhang i-describe o isulat kung ano si Marco, ay dahil masyado nang malalim ang pinagsamahan namin at di na kayang isalarawan nang ganun-ganun lang.

Parang word na "supercalifragilisticexpialidocious",
hindi mo kayang i-spell ng isang hingahan lang.

Naging mas matibay ang samahan naming dalawa dahil siguro nagsimula kaming mag-usap tungkol sa kalungkutan at problema nang buhay namin. Hindi kami nagsimula sa gimik, party at nag "cheers" nang alak, sa halip nagsimula kami sa "nalulungkot ako" at "may problema ako". Sa mga nagbabasa, try nyo din yan, mabisa pala. From eating breakfast after shift, to going out with him para makipagkita sa mga ka-date niya, present ako.

Kung may ribbon lang ako, "Perfect Attendance" malamang.

Dahil sa wala akong pamilya dito, siya ang naging kuya ko.. Hindi para ipahalatang mas matanda siya, kundi para ipamukha na may karapatan siyang gawin ang mga sumusunod:

►Sermon. Walang katapusang paalala, at pag papakita ng kabutihang halimbawa. Nagmukha akong basahan sa kabaitan nang taong to' (tama na ang build-up, baka marami na namang ma-inlove. Ayoko nang sumama sa pakikipag eye-ball).

I always go to him for opinion or some advise, pero kadalasan sermon ang nakukuha ko.. Nag feeling marunong lang, worst is naniniwala naman ako, sumusunod naman ako. Hahaha! Normally magisismula ang sermon sa linyang:

"Hay naku..."

At after kong magpaliwanag, mag defend nang sarili kunwari, matatapos ang sermon nang:

"Hindi din..."

Dahil hindi niya gusto ang point ko... O di siya sang-ayon sa sinabi ko.

►Galit-galitan. Hobby niya ang magalit at magtampo, hindi naman sa wala siyang dahilan, OA lang talaga kung magalit. In fairness, bumait naman ako dahil sa kanya. (FYI: Hindi naman ako ganun kasama... slight lang!). Dumating kami sa point na, nawala kami sa isa't-isa, hindi
dahil sa ginusto namin pareho, kundi pareho naming iniwasan ang isa't isa na masaktan. (Sa mga nag-iisip nang something romantic, gumising.. hindi ganun yun!)

Siguro kagustuhan na rin nang Diyos na mangyari yun, na realize ko na mali ako, na may mga bagay sa buhay na kailanman ay hindi mo dapat gawin, lalo na sa kaibigan. In his absence, I realized that there are things in life worth keeping. (Nosebleed)

►Utos. Demanding , hindi uso sa kanya ang "Pwede ka?" na tanong. Laging text ay "Punta ka dito" o "Ngayon na". Wala ka laging choice at wala ka laging right na magbigay ng dahilan. Stressful, umabot ako nang Baguio nang wala sa oras dahil sa kanya, at eto ang transcript:

"Punta ka dito?"
"Asan ka ba?"
"Baguio, dali punta ka na dito"
"Wow, parang cubao lang ah, anlapit noh?"
"Cge na.. wala akong kasama dito, iniwan ko yung ka date ko"

Buti na lang malakas siya kay Francis (Wiwi), napapagbigyan ang mga "sudden life crisis" niya. Kasabay nang pagpunta ko sa Baguio, ay ang paglaho din nang ka-date niya. Hahaha!

And speaking of ka-date, lumelevel-up din ang love life niyan. Pagdating naman sa lovelife, hindi "voluntary" ang pagbigay niya nang impormasyon. Kailangan dumugo muna ang ilong mo kakatanong at kaka-usisa bago mo siya mapilit magsalita. Magkukwento nga, hindi naman detalyado. Inis di ba? Gaganti lang nang tawa, hanggang ikaw na mismo ang susuko.

Mas "stressful" din ang mga taong na li-link sa kanya.. Take note, nali-link, di ba parang artista.. At nag-aaway-away pa.. This time mas sosyal, sa "friendster" nag aaway, sapawan ng "testimonial' ang labanan. Walang katapusang agawan ng "yaman", etong si Marco, natutuwa
naman. Wushu!

Hindi ko din kinaya ang "Searching for Oneself" drama niya, umakyat nang Baguio at i-stress ang pamilya. Magawa nga yan minsan, mukhang "effective". Peace Mommy!

Sa dami nang pinag-daanan niya, hindi ko na alam kung ano pa ba ang pwedeng "wish" ko sa kanya. I'm sure kaya niya din lahat nang problema niya sa buhay, sabi ko nga dati sa kanya...

"Wag na choosy, na sa'yo na halos lahat"

Ayokong maging masyadong "cheesy" baka mapalitan natin si Bea at John Lloyd sa commercial, I just want to thank you for being a part of my life.. Our life, and for being such an inspiration for the both of us. Wishing you a happy birthday is not enough for me to express how grateful I am having you. Tama na, di ako sanay sa ganito.

Happy Birthday!

No comments: