June 1, 2009

He Just Made My Day

Kung galing ka sa trabaho, pagod na pagod, feeling mo ubos na lakas mo, tapos pagdating mo sa house, gusto mo na lang matulog para makapagpahinga di ba. That's the normal way of dealing with stress you got at work. Pero kung may "Good morning" na text sa taong espesyal sa'yo, tapos nag-usap kayo sa telepono, kamustahan, kulitan, tawanan, ang sarap nang pakiramdam di ba. Nakakapawi nang pagod.


He just made my day. Funnee how he texts me that he gets hurt everytime he opens my blog and read those entries about me meeting different guys. As if naman. Hehe. Korny na kung korny, pero kinikilig ako. Haha. Alam naman nang mundo na hanggang ngayon eh mahal ko pa rin yang taong yan. Grrr!!! Siyempre forever love na yun. Hindi naman yung Obsess kind of love. But he really makes me happy. Kahit na minsan iniinis niya ako.

Tuwing mag-uusap kami, laging banat eh mga pag-uusisa sa mga taong nababasa niya na nakikilala ko. Tapos kung anong pagbibintang na ang sinusunod. At gusto pa niya talagang makipagmeet sa mga ex ko para lang asarin sila. Magyayabang lang ang mokong. Hay! Tinatanong pa kung sino na ang dinala ko sa kama ko. Ano na! He's the last guy that I had (you know) on my bed. And I swore that he'll be the last, and sana siya na lang forever. Hehe.

I'm excited to see him. When? Secret! Hehe. He's sexier na daw. Biruin pa akong nagpa-bulk pa daw siya eh alam niyang ayaw ko. Hmpf! Plus teasing me with his defined abs na daw. Mukhang nagpe-prepare sa party ko. Haha. Ayaw talaga padaig. Hehe. He just know how to tease me. Alam niyang love na love ko ang abs niya. Ang sarap matulog. After all the guys I've met, ewan ko ba, masaya pa rin talaga ako sa kanya.

Wala lang, makatulog na nga. Baka ma-inlove pa uli ako sa kanya. Sarap matulog!!! Hehe.

No comments: