June 9, 2009

Havaianas vs Spartan

HAVAIANAS

Lugar na pinanggalingan:
São Paulo , Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)


Materyal na ginamit:

Malupit na goma (high-quality rubber).


Presyo:

Depende.
Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas=100 pares ng Spartan.


Mga nagsusuot:

Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")


Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy


Olats na mga katangian:

Mahal!
Mahal!
Mahal!

SPARTANLugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).


Materyal na ginamit:

Pipitsuging goma (Low-quality rubber).


Presyo:

Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan=20 piraso ng pan de coco.


Mga nagsusuot:

Ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)


Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.


Olats na mga katangian:

- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas


So, what's your slipper??? Hehe.

2 comments:

Arbee said...

ang ganda ng Hava..hava...basta yun! pero ang mahal grabeh! hehe long live Spartan(s)!!!!

hehe

Mac & Hubbee said...

hehe. fan??? haha.