June 14, 2009

Birthday Entry XI: Abi Oropesa-Retuta

Date Submitted: June 14, 2009

Actually, I don’t know if dapat ba akong gumawa ng blog entry for Nong TL kasi I barely know him as a person… I mean, his likes, dislikes, etc… But slowly, I’m learning about his personality through his blogsite.

I was never really fond of reading blogs over the net but there’s something about his blogsite that made me become a “slightly” avid reader of blogs… Hehe…


I realized na sa mga blogs pala, makakahanap ka nang outlet to express your true feelings, inner thoughts, even some of your deepest secrets…. At dahil diyan, mukhang nai-inspire ata akong gumawa nang sarili kong blogsite… But wait… Hehe.. Hindi rin kasi biro ang gumawa nang blog entries ano? Dapat may update lagi about life, dapat you own a digicam or a celphone with camera at the very least, dapat marami kang alam na jargon of terms, vocabulary atbp! Hay!

Nakakaloka… Enough na siguro na yung blogsite na lang ni Nong ang basahin ko… Hehe… Anyway... Hmm, ano nga bang masasabi ko about Nong? Aside sa isa siya sa mga ninong namin sa kasal, well, actually wala akong ibang masasabi… Kaya “I thank you, Bow!” na ang drama ko….

Hehe... Joke lang! =) Kasi totoo naman na sa blogsite ko lang siya nakikilala and from the stories of my hubby, Yron, who is a part of their team… Basta, first impression ko sa kanya eh suplado, hindi masyado nakikihalubilo sa mga jologs, in short, sosyal… Yung ganun. Typical na FIRST IMPRESSION… Pero di katulad nang kasabihang, “First impression lasts..” Eh nag-iba naman ang tingin ko kay Nong…

Kalog din pala siya, medyo mahilig tumawa, tapos siguro depende sa mood eh madali siyang mapapatawa… I think he’s a wonderful person inside and out (O, Nong, kickbak ha!) hehe… Kidding aside, given a chance, I would really like to know him more kasi he seems like the person who values friendship, trust, loyalty and many more. Parang all around ang personality niya…

Nung una nga, (I think til now…) medyo nahihiya pa ako sa kanya kasi parang hindi niya masasakyan ang kagagahan at kaingayan ko… Para pating selected few lang (sa team nila) ang ka-close talaga nya… Pero whenever there’s a chance na makaka-join ako sa events or gimiks nang team nila, napapansin ko at naa-appreciate ko yung effort ni Nong to reach out… Yung ganun... Basta ganun...

I also really admire the way he handles his team.. I said so kasi, I never saw Yron to be this inspired, this happy and this contented with his new work and new family. Yep, para kasing one big happy family ang team nyo. And just to see and be with you guys is such a treat kasi parang laging ang saya-saya.

Dito ko rin nakikita ang asawa ko na nag-grow, becoming better in this field kasi he was never like this before… Sobrang stressed siya lagi at unhappy at some point. Kaya naman I’m so thankful also that Y is a part of your team.

Ayan, ang haba na Nong!!! Haha! I never thought na medyo marami pala akong masasabi hehe… Basta, I would really love to get to know you better… =) Thanks for being a part of our lives and whatever it is your doing in your life na tingin mo, is best for you, never give it up… Yron and I will always be here for you…

Happy happy birthday!!!! God bless!

No comments: