June 26, 2009

Dilemma


There are people in your life who has so much influence in you, that they can easily change your decision, persuade you with your opinions, and transform your views differently. They also affect how you think, you talk, you move, and more so with the choices you make. I have friends who corrects me when I'm wrong, reacts violently when I did something bad, and cheers the most when I succeed.

I have a stubborn head. Maybe because I always know what I want, and I always do what I want to do. Some say I'm hard-headed, some say I'm just driven. I do listen to my friends, pero minsan lang. Hehe. Madalas, sumusuway ako. Kaya sumasakit ulo nila minsan sa akin (did i say minsan? hehe). Pero yung minsang pakikinig ko sa kanila, nadaan na ako sa takot nun kasi dinadaan na nila ako sa sindak at dahas. Hehe.

Mabait naman ako. Hindi naman ako pala-gawa nang masama. Nag-iisip din naman ako kahit papano. Hindi naman lahat katangahan. Although siyempre, meron talaga nun minsan. Kailangan mong maging tanga minsan. Kaya masarap kapag may mga tunay kang kaibigang maaasahan pag nahuhulog ka sa katangahan mo.

Sa ngayon, pakiramdam ko sa sarili ko, nagiging tanga na naman ako sa mga pinaggagawa at pinag-iisip ko. Normally, eto yung part na may ko-corner na lang sa akin, kakausapin ako, papayuhan, o di kaya papagalitan, at sasabihing "tama na, mali na". Pero bakit ganun, hanggang ngayong araw na ito, wala pang gumagawa sa akin nun. Tama na ba sa kanila ang mali ngayon?

"I like him."

Iisa lang ang sinasabi nila. Paulit ulit. Walang pumapalya. One voice, one rally. Lahat administrasyon. Walang miyembro nang oposisyon. Lumipat na ba nang barko ang lahat nang kaibigan ko at nasa kanya lahat nang simpatya. First time nangyari ito. Masaya akong naririnig ko dati ang "Gusto ko siya", at ang "Ayoko sa kanya". Naaaliw ako sa maliliit na discussion. Pero ngayon, lahat sila, "I like him".

I must salute him. He easily got the eyes and hands of my friends. Ngayon lang bumait sa akin ang mga kaibigan ko when it comes to looking for the next one. Hindi ko alam kung nasumpa ako pagturn ko nang 28, o nabiyayaan ako. Maagang sakit nang ulo ito on my new chapter. Kaka-28 pa lang, mind puzzle na agad. Saya di ba!

"Biggest karma mo ito"

Isa din yan sa mga sinasabi nila. Parang script. Parang verbiage. Hindi sila naaawa sa akin. In fact, natutuwa sila kasi I found my karma daw. They are happy that I am experiencing this mental torture that I always love to do with people, whether at work or with the guys I dated before. At ang masaklap pa, they say that I deserve this. Wow! Nag-zero percent ang friends list ko all of a sudden. Wala nang kumampi sa akin. Hassle.

Nananaig na naman ang pride ko. Ayaw kong tanggapin ang maraming bagay. I keep on denying that I'm falling for him. I keep on denying na siya nga ang katapat at biggest karma ko. I keep on denying of so many things. At lumalaban talaga ang loob ko. Walastek. Ibang klaseng challenge ito ha. May nagpa-plot ba nito against me? What did I do???

May mga nagawa na ako. Kanya kanyang opinyon na lang kung mali o tama. Basta ako, ginawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Tapos na. Nagawa na. Kung mali man yun, pipilitin kong di na makagawa nang mali pa uli. Baka pagsisihan ko lang ang lahat nang ito sa huli. Ayaw ko. Gusto ko naman maging masaya ang panibagong kabanata sa buhay ko. That's all I'm wishing for.

Isa lang ang hiling ko. Matapos na itong dilemma na ito. At sana may lumitaw na isang kaibigang makakatulong sa akin. Yung makakaramdam talaga kung anong klaseng tulong ang kailangan ko. Tamang solusyon. Tamang paraan. Masakit na kasi sa ulo. Hindi na masaya. Kilala niyo naman ako di ba. Kalaban ko ang utak ko. Hindi marunong magpahinga yun eh. Praning minsan. Hay...

3 comments:

Anonymous said...

To some, love is a word
that they can fall into.
But when they're falling out
keeping that word is hard to do.

- queerfaith

Ego said...

hay...
i thought nung una..nasisiyahan ka lang dito!
but here you are..huge dilemma pala ito sayo..

sorry huh..(dahil i'm one of the people who are pushing you to that guy) hindi ko man lang na realize every comment that you read another sack of dilemma na pala!

just be firm...i know you're strong enough to face this problem!

kung hindi pa din madaan sa pag rereflect...tawagin mo na si bro!
sabihin mo ano ang nararamdaman mo..
pakatatag ka lang
Ok?

Mac & Hubbee said...

thanks queerfaith and ego!!!