Haaayyyy!!! Ang hirap magsimula pero here it goes.
Sabi nga ni Marco, malalim na ang pinagsamahan namin. Nagkakilala kami sa "E". Sobrang tagal na nun kasi 2002 pa yun. Hindi man siya yung pinakagwapo sa team namin pero siya naman ang pinakamagaling magdamit (naks!). Asa banda pa siya nun. Pang-umaga pa kami kaya nakakapag-gig pa siya pagkatapos nang trabaho.
Tahimik si Marco sa simula. Siya yung tipo na naninimpla muna kung ok ka. Kailangan mo muna na mapatunayan na karapat dapat kang pagkatiwalaan. Napatunayan ko lang isang araw na nakuha ko na ang tiwala niya nang sabihin niya sa akin kung ano ang kanyang preference. At paano nya sinabi?
Nasa may kainan kami sa office nun. Nagkukuwento siya tungkol sa isang doktor nang mga hayop (The Vet Episode) na nakilala nya. Ang nasa isip ko syempre na babae itong doktor na ito. Sabi nya ang cute daw nung mga aso nang doktor at sa sobrang cute gusto niyang iuwi. Hindi ko agad naisip yung doktor pala yung gusto nyang iuwi! (ha!ha!ha!)
So paano ko nalaman na lalaki pala si Dok? Simple lang, pinakita niya ang telepono niya sa akin at pinabasa ang text messages ni Doc at saka ko na-realize na ang pangalan pala ni Doc ay panlalaki! Super verify pa ako kung lalaki ba talaga si Dok! (ay sus!). Ayun, pagkatapos nun, ok na kami as in sobrang ok.
Nagkahiwalay kami nang trabaho ni Marco after "E" pero nagsama naman kami ulit sa isa pang "E". after that, tuwing kaarawan (namiz ko yung last 2 years. *sad*) niya na lang kami nagkikita at paminsang minsang labas. Nung nag-usap kami last time, sabi ko sa kanya namimiss ko siya, hindi na kasi kami nagkakaroon nang chance na magkita. Pero kunswelo ko na lang tuwing nagkikita naman kami, sobrang saya, sobrang memorable.
Salamat Marco! Salamat sa pagiging kaibigan! Salamat sa pag-ampon sa akin paminsan minsan sa bahay niyo! Salamat sa pag share mo sa akin kay Mamiko! Salamat sa pagiging parte nang buhay ko! Salamat sa pagtanggap mo sa akin! At maraming maraming salamat sa pagiging ikaw! Maligayang maligayang kaarawan!!!

Whew! Try ko naman magtagalog sa blog! Nyahaha!
No comments:
Post a Comment