June 2, 2009

Is Mr. Smart Invited on my Party?


If you will ask me this question, I am pretty sure you already know what will be my answer. Of course, YES!!!! I've been shouting about it on my last entry about him. I would love to have him in my party. My ultimate crush!!!! Hehe. Dinaig pa si Piolo Pascual. Feeling ko, ako si Toni Gonzaga doon sa old soft drink commercial (I can't recall the brand) niya with Piolo. Parang gusto kong sumigaw nang I love you Mr. Smart!!! Haha.

Anyways, after our monday shift, pauwi kami nila Ash at Drey (sabay kaming umuuwi lagi), nabanggit ni Ash na naisip niyang iregalo sa akin na lang eh puntahan si Mr. Smart at i-invite sa party ko. Siyempre, nag-twinkling ang eyes ko nung narinig ko yun, although casual lang niyang sinabi yun. Why not, it's a good idea. But that was it, di na masyado napag-usapan, pababa na rin kasi siya noon.

Pero tumatak yun sa utak ko. Hehe. Pero di ko na in-entertain after. Then pagpasok kanina for our Tuesday shift, bigla ba namang hiniritan ako na galing siyang Smart kasama nang bestfriend niya at nakita na niya si Mr. Smart. I swear! Napasigaw ako. Ang ingay namin kanina. Kasi na-describe niya si Mr. Smart. So totoong nakita na nga niya. At niloloko niya akong may birthday surprise daw siya sa akin. Waaaaah!!!!!!

Of course, bumalik na ako sa desk ko after. Napag-contemplate tuloy ako doon. What if totoo pala at hindi biro ang gagawin ni Ash? What if ma-invite nga niya si Mr. Smart? Jusko, si Ash pa!!! Geeez. Eto na naman ako. Parang di ko yata kaya yun. Parang matata-meme ako sa mismong party ko. Ang panget. Kilala ko pa naman sarili ko pag natata-meme ako sa crush ko, lalo na pag malapit sa akin. Hay! Panget talaga. Hindi ko pa rin ata kaya. Hehe.

Sana biro lang ang sinabi sa akin ni Ash. Kundi, mae-expose ako sa madaming tao kung paano ako mata-meme na sobrang obvious na nahihiya at naiilang sa crush ko. Sheeeet!!!! Nai-imagine ko palang, nahihiya na ako. Haha!!! Duwag na TL talaga!!!

But on a second thought, hmmm, let me contemplate on it again. Hehe!!!

2 comments:

Jiltedsummer said...

naalala ko, how u smiled at the thought of it. kulang na lang lumampas sa cheeks mo un ngiti mo! ahehehe!! well, i just hope Ash would. di lang ikaw ang matutuwa sa party, pati ako! harharhar!

Mac & Hubbee said...

hay! ewan ko talaga kung ano ang magiging pakiramdam o reaksyon ko. kaya para safe, wag na lang sana. pero meron sa utak ko na nagsasabing oo. hay! erase the idea na lang!!!