Date Submitted: June 16, 2009
“Kung di nya akalaing magkakasundo kami, pwes, mas lalo ako!”
Sa persona nang taong ito, di mo basta basta mababasa kung ano yung nasa utak nya. Siguro dahil nga ilang ako sa kanya dati. Hindi kasi kami nag-uusap nang personal na bagay bagay pagdating sa buhay, sa pag-ibig at kung ano pang merong nakahain sa mundong ginagalawan namin… Walang bakas nang koneksyon kumbaga sa simula, walang ilaw, walang liwanag. Basta TL KO SYA! YUN NA YUN! At hanggang dun lang….
Maloko ako. Yung tipong hindi mo ko mapapasunod pag hindi ako naniniwala sa prinsipyo nang taong sasaklaw sa akin. Matigas ang ulo – kailangan kong malaman at mabigyang kasagutan ang bagay na pinapagawa mo. Hhhhm… Ganun talaga siguro ako, lumaki akong ganun at tatanda siguro akong baon ang ganung kaisipan.
Sa desisyon kong umalis sa mundo ng “Waykoko”, di ko lubos maisip na may taong tatanggap at magtatiyaga para kunin ako. Hindi ko alam kung anong pakay at sadya nang taong iyon para pagtiyagaan ang isang “PATAPON”, ika nga ng iba. Sabi ko nalang, bahala na si batman. Kung talagang yun ang tadhana ko eh, sabay lang sa agos. Kung di naman, mabilis gumawa nang papel nang pamamaalam.
Naggising na lang ako isang araw na ramdam kong may pamilyang kumupkop sa akin. Tumanggap nang pagkatao, kamalian at katangahan ko sa buhay. Yung tipong simot sa huling linamnam kung ulam man ang pag uusapan. Utang ko sayo yan.
At hindi ko basta basta mababayaran…
Dahil sayo…
-nalaman kong hindi mahirap ang mangarap.
-naintindihan ko ang sarap nang bunga nang paghihirap.
-naramdaman ko na hindi sagot ang init nang ulo sa isang sitwasyon.
-nalaman kong hindi relasyon ang sagot sa kalungkutan at kakulangan sa ating lipunan.
-naramdaman kong may taong nagmamalasakit sa akin lalo na sa pagkakataong nasasaktan at masasaktan ako.
- james/tl/marco/bong/hoy! Nalaman kong tunay kitang kaibigan…
Dahil jan, tandaan mo. Mula sa araw na tinanggap mo ako bilang AKO!...
Hinding hindi kita iiwan…
Dito lang ako kaibigan… Walang iwanan.
June 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment