Wala lang. Inartehan ko lang yung title. But it's actually just about my little way today in diverting my mind in to something else. Oh well, alam niyo na kung ano ang sinasabi ko. Anyways, after work last night, Joy, Val, Raech, Kate, and Raine agreed to watch Transformers today at ATC. We even reserved our seats via online. So it means, sure na kami sa lakad na ito. We decided to watch the first screening because we thought that there's gonna be a lot of people.
I got so excited about it. Kaso ang ending kanina, kami lang ni Raech ang natuloy. Actually, hindi naman umatras si Raine, she was able to do the 1st screening, kaso ang Joy, nag-request na yung 2nd screening na lang at inaantok pa daw siya. So I asked the others about it, si Raech lang ang sumagot. Si Raine, cannot na kasi kasama na niya pamangkin niya. At ang kina-endingan nga, hindi pa rin kinaya ni Joy. At ang Val, naglahong parang bula sa mundong earth.
Moving on...
Waaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!! Sorry, I just need to write down my scream. That's my reaction to the movie Transformers 2 that we watched. I wanna use all the "mura" in the world sa sobrang pagka-amaze ko sa movie. Mag-react na yung mga di nagustuhan masyado yung movie, but for me, it was so awesome. Ang lupet! Non-stop action and it was intense. I liked it!
Raech and I realized na dapat may sarili kaming upuan kanina. Kasi feeling namin kami lang yung maingay kanina. Na any moment, may babatok o mambabato na lang sa amin, o di kaya may sisitsit. Hehe. Kung tawa, tawa kung tawa talaga kami. Kung intense reaction, intense reaction talaga kami. Kung heartfelt yung scene, napapa-takip kami nang bibig o di kaya napapaluha kami. At kung kinakailangan sumigaw nang OMG, complete Oh my god talaga.
Nakakainis yung mga tao, especially the kids, I was expecting they would react they way we did, kaso hindi. Bad trip. Solo flight kami. Kami lang yung intense watchers. Hehe. Wala akong masabi (wala pa daw oh), basta malupet the movie. Na-meet niya yung expectations ko. Ay, actually, na-surpass nga niya. I love the robots, I love the effects, Maegan was so freakin' hot, I love the GI Joe trailer, and I was a happy TL after the movie. Na-divert yung utak ko. Galing galing!!!
Tumambay muna kami ni Raech sa DQ before kami nanood nang movie. After the movie naman, dumating na si Joy. Naka-abang na siya sa labas nang movie house na parang nanay na sinusundo yung mga anak sa school. Hehe. Then we went to Starbucks para dun naman tumambay. Doon na rin namin hinintay si Baby Bear. In short, the 4 of us made some tambay, with coffee and pastries on the side, and tons of fun exchange of stories.
Around 9:00pm, we decided to leave and to pick-up Drey at her house. Pupunta kasi kami kay Hazel sa Sta. Rosa para dalawin siya as she got out of the hospital after giving birth to Uno. But before going to Drey's house, dumaan muna kami sa Petron sa SLEX para bumili nang food sa McDo at sa Treats. Gusto kasi ni Hazel nang Ice Cream, at gutom na rin kami kasi di pa kami nagdi-dinner.
After picking up Drey, we went to Sta. Rosa na. Finally, I saw Hazel again, and their new apartment. Her sister Gretch was there, and of course, my uber coot inaanak notnot, and Hazel's hubby, Aldrin. Super kuwentuhan lang, at super share si Hazel nang panganganak moments niya. Siyempre, ang humor level ni Hazel, andoon pa rin, hindi nawala (thank God). Kaaliw pa rin to the max.
Kaso hassle lang, puro girl talk. Pinag-uusapan nila eh about "suso" at ang sub-topics about that like itsura nun pag buntis, pagkatapos manganak, pano malaman kung ano ang totoo at fake, ang word na nipples at iba pa. Napag-usapan din ang pubic hair at kung ano ano pang hair and waxing. Di ba, hassle! Wala akong makausap na may same interest of topic. Saya saya!
But being with these girls are so much fun. Mix of personalities kasi but fun kapag nag-jive. Ang mga punchlines ni Hazel, ang mga out of nowhere ni Drey, ang mga arguments ni KG, ang mga english ni Raech, at ang mga side comments ni Joy. Saya saya. At siyempre, nung uwian na, manong driver uli ako. Tagahatid nang mga bayarang babae. Just kidding! Hehe. I so love these girls. I had fun.
Going back nga, it was a nice way to divert my mind. At least, for a number of hours, nag-iba yung tinakbo nang utak ko. At ngayon, paantok na ako, ready to sleep na. Perfect! Bukas, ano naman kayang paraan at pagkakataon maiba ang iniisip nang utak ko. Goodluck! Nawa'y tulungan ako nang inang bansa. Hehe. Good night everyone!!!
June 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Kahit anong gawin mong iwas TL, hindi ka makakatakas sa tawag nang puso. Hindi ka makakaiwas diyan. It will haunt you until it blossoms or dies. Hangga't tinatago mo yan, guguluhin ka niyan palagi. Haha. Duwag ka nga talaga TL pagdating sa ganito.
tl, off-topic lang. i included your blog on my list of top 10 influential bloggers.
http://reybaguio.blogspot.com/2009/06/my-top-ten-emerging-influential-blogs_25.html
been hearing about of good things about this movie. havenn't watched it yet though. :)
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Thanks Arbee!!! Appreciate that!!!
Nobe, watch it, you wont regret it!!!
ehe..hello again
ammm...maging OK karin!
hayaan mo lang si DESTINY na gawin ang job nya!
always remember LIKE lang ang sinulat mo!
Kulet?
also look forward for the movie 2012
the story is based on the archeological Mayan calendar that on December 12, 2012 (12/12/12) the end of the world will come
quite strange even the astrophysicist believe that there is indeed something factual that will happen on this date more or less in an astronomical scale
but the end of the world, they believe no, but perhaps massive extinction
whoah, that's interesting. i will see this one.
ego, oo nga, hahayaan na lang...
TAMA...
if both of you are meant for each other?...things will happen unexpectedly!
things may happen unexpectedly, but it isn't right to expect too much, or that will only leave you scorched and dry
right. that's true. that's why i'm starting from zero expectation. no oneknows, malay niyo spur of the moment lang pala ito. then maglalaho lang din na parang bula.
Post a Comment