June 7, 2009

Venting Out

"May mga tao talagang ipinanganak na di marunong tumanaw nang utang na loob. Ang sarap ingud-ngud ang pagmumukha sa sahig. Tinulungan mo na nga lahat... Hay! Kapal talaga! Itaga sa bato, pagsisisihan mo din ang desisyon mong yan kaibigan..."


That is what I posted in my wall in FaceBook today. I dunno. I just want to vent out. It's something I can't tell to anyone (yet). Basta, naiinis ako. Mabait akong tao. Yung ibang kaibigan ko nga, nagagalit na sa sobrang kabaitan ko minsan sa work. But what can I do? It's something innate in me. Nahihirapan akong baguhin yun. Ayokong may naa-agrabyado. Ayokong may nasasaktan. Ayokong may nahihirapan. Ayokong may umiiyak.

Nahihirapan ang loob ko pag malungkot ang paligid. Gusto ko laging masaya. Kaya lahat ginagawa ko para maging maayos at masaya ang mga tao (kung kaya ko). Madalas din akong tumulong nang di nalalaman nang taong tinutulungan ko. Mas fulfilling kasi ang pakiramdam kapag ganun ang set-up. May mystery effect. Enjoy na enjoy ako sa ganun.

Kaso, sabi nga, this is not a perfect world. May mga tao talagang walang kwenta. Mga taong tinulungan mo na nga, hindi pa marunong tumanaw nang utang na loob. Hindi ko naman kailangan nang kapalit. I swear. Hindi talaga. Pero improtante sa akin ang "Word of Honor". Sobrang importante sa akin nun. Mas masakit sa akin na balewalain ang sinabi o ipinangako mo sa harap nang mukha ko.

Marami rami na akong natulungang tao. May iilang tao na rin ang gumago at lumoko sa akin. Pero lahat yun, for some reason, parang nasumpaan. Hindi na umangat ang buhay. Siguro, karma na ang bumalik sa kanila. Hindi ko rin kasing ugaling gumanti. Hinahayaan ko na lang. At sigurado ako, sa taong itong somehow eh naging kaibigan na din, pagsisisihan niya itong ginawa niya. Siguradong sigurado ako. Itinataga ko dito sa blog ko.

Just venting out...

3 comments:

Anonymous said...

hmmm.... relax...

Mac & Hubbee said...

I'm relaxed now :) Very much...

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.