June 14, 2009

Birthday Entry X: Ka-ye Rubio-De Vera

Date Submitted: June 13, 2009

Ei! Until now di ko alam kung bakit isa ako sa mga napili mo para sa birthday blog mo, but I'm thankful and honored (naks!).

I have known you more than one year pero now pa lang tayo nagiging friendship and I don't know why.. Ikaw ba alam mo?


With that, I can't really find the right words to describe you. Siguro, I can compare you sa isang abstract painting, hindi maintindihan sa simula pero habang tumatagal, you'll understand na hindi mo talaga maintindihan yung painting (hehe, kala mo ha!). Kala ko madali itong pinagawa mo sa akin, ang hirap pala! Hay, wait lang, bwelo lang ako...

So, after diaper changing, bottle feeding and watching CSI NY, hindi pa din ako makaisip nang tamang words to describe you. Nag-decide ako na manood ng movie sa PC while typing this (take note 12 midnight ito), ang movie "Ang tanging ina nyong lahat". And I found the right person to help me describe you. Si INA (yung role ni Ai-Ai).

Come to think of it, ikaw na ikaw! Hindi physically (hmm, nag-react ka agad noh?!), kundi mentally and emotionally. At kaming lahat na mga friends and team ang mga anak mo (ako si Shaina! namili talaga!). Parang si INA, you are a little bit of everything. Makulit (una talaga sa listahan to), maaruga, masipag, malalahanin, you've got a little bit of comedy and drama, a little bit of kindness and bitchyness.

Parang si INA, matanda ka na =). Parang si INA, you'll do everything hindi for yourself, kundi para sa iba, and you do it out of selflessness (yun oh!). Kaya madami ka friends kasi isa kang care bear, you always care, and we are thankful & love you for that. Ikaw yung tipo nang tao na hindi tinutumba nang problema at panahon. Pero sabi nga ni INA "ang taong hindi natutumba ay dating konduktor". Ala lang, walang bearing, may masabi lang ako =).

Anyway, it's your day, and you can cry if you want to, so go lang. Happy Birthday! We love you! I wish you everything. Always remember na I'm just a text away (call kung madami ka load) Greenhills tayo! =)

No comments: