June 12, 2009

Ito Ang Gusto Ko


Ewan ko ba kung bakit excited ako mag-birthday ngayong taon na ito. The fact na wala naman masyadong special na nangyari, or something significant to celebrate. Everything is just general. I guess I am excited because I'm turning 28 with a happy and contented life. Wala mang love life, hindi ako nakakaramdam nang lungkot about it. God made me realize that happiness can be found in so many forms.

Pero marami akong gusto. Hindi para sa akin. Kundi para sa mga taong espesyal sa akin. Mga taong minamahal ko. Mga taong bahagi nang buhay ko ngayon. Kung may hihilingin ako sa buhay ko sa araw nang birthday ko, eh mga hiling na gusto kong ibigay na lang sa kanila. Kasi kung wala sila, hindi magiging ganun kasaya ang buhay ko ngayon. Kaya eto ang mga simpleng kahilingan ko sa birthday ko.

Gutso kong makatapos at maging successful si Zue Ann sa states. Gusto ko si KG at si Edison ang magkatuluyan habang buhay. Gusto kong magkaroon nang malalim na dimple katulad nang kay Wee. Gusto kong makahanap si Drey nang lalakeng magpapaligaya sa kanya habang buhay. Gusto kong ma-meet si ItchyWorm at manghingi nang ice cream sa kanya. Hehe. Gusto kong mabawasan ang kaingayan ni Raech. Hehe.

Gusto kong maging successful ang pag-labor ni Hazel kay Uno. Gusto kong putulin ang bangs ni Ash. Gusto kong maging super sexy si Joy. Gusto kong maging makinis tulad ni Bess. Haha. Gusto kong pumayat si Kumander. Gusto kong makasama nang matagal si Jay sa isang island na kami lang dalawa. Gusto kong magkalaman si Angel. Gusto kong lumiit na ang tiyan ni Roxee. Gusto kong magka-love life na si Val.

Gusto kong maging happy sa bagong chapter niya si Rosha. Gusto kong maging crush ako ni Eugene kasi crush ko siya. Hehe. Gusto kong tumangos ang ilong ni Bookie na matagal na niyang hiling. Gusto kong magkatrabaho uli si Badz. Gusto ko nang magka-baby si Abi at si Yron, at gusto ko ninong pa din ako. Pwede kaya yun? Hehe. Gusto kong maging model o beauty queen si Carol.

Gusto kong maging malusog na baby si Gab. Gusto kong mag-mature na si Lance. Gusto kong tumagal ang relationship ni Pax sa bf niya ngayon. Gusto kong maging healthy si mamiko. Gusto kong maging good dog na si Thokie. Gusto kong maging healthy din si Khenzo. At gusto ko nang bilhin si Kneio na Fortuner. Gusto kong maka-date si Mr. Smart. Hehe. Gusto ko nang 28 red balloons sa birthday party ko.

Gusto kong maka-graduate nang college ang cousin kong si Lissa. Gusto ko nang magka-work ang kapatid kong si Grace. Gusto kong malaman nang trainer kong si Manny na di ako straight. Hehe. Gusto ko nang maraming date in the future na di din gusto nang relationship, kahit walang sex. Hehe. Gusto ko nang ipaayos ang buhok nang boss kong si Chi. Gusto ko din ayusin ang hairstyle nang dati kong boss na si Siege.

Gusto kong maging wonder mom si Marien. Gusto kong magka-sexlife na si Lissa. Gusto ko nang mag-resign si Stephen. Hehe. Gusto ko nang magka-katulong si Kate para may magbabantay na sa baby niya. Gusto ko nang magka-buhok si Rob. Gusto kong makita si Eric magsuot nang fit na shirt. Hehe. Gusto kong hindi pumunta nang France si Sherrie soon. Gusto ko nang magka-sosyal na dog si raine.

Gusto ko nang magkaroon nang sariling skyway si Eiva. Gusto kong pumunta nang Boracay this December and spend my christmas there with family and friends. Gusto ko nang isang malaking freezer sa house na punong puno nang ice cream na hindi nakakataba. Gusto ko nang condo unit by November. Gusto ko pa nang isang dog. Gusto kong ma-terminate ang isang boss sa office sa kasamaan nang ugali niya. Hehe.

Gusto kong makarating sa isang asian country by early next year. Gusto kong maging fun and happy ang adventure ko sa Cebu-Bohol this October. Gusto kong matuloy na ang Ilocos Road trip namin nila Yon. Gusto ko nang matuloy ang CamSur trip this August. Gusto ko nang bagong comforter. Gusto ko nang madaming Fit n' Right Juice sa refrigerator ko. Gusto kong maging super yaman si Wildion.

Gusto kong tumagal panghabang buhay si Jze at Francis. Gusto kong makita uli si Jeff. Gusto ko nang maraming Starbucks Mug kay Ron. Gusto ko nang maraming photo shoot with Monica. Gusto ko magka-food business si Kuh. Gusto kong makita si Dia. Gusto kong umangat sa buhay ang Tita Vi ko. Gusto ko nang maraming bagong kaibigan. At gusto kong maraming matulungan pa sa darating na mga araw.

Ilan lang ito (ilan???) sa mga gusto ko sa buhay sa darating na 28th year ko. Mga simpleng kahilingan. Sana magkatotoo lahat. Sana...

No comments: