June 26, 2009

Happy 31st Anniversary Folks!


Today is the wedding anniversary celebration nila parents. 31 years na silang kasal. At 28 years ko na silang magulang. Hehe, walang relevance yung part na yun, siningit lang. Haha. They originally planned to have some dinner outside kaso sobrang traffic daw sa SLEX kaya they decided na sa house na lang mag-celebrate. Bumili na lang sila nang food (pizza and ice cream) at nag-ihaw na lang nang pork liempo.


Sa greenwhich sila bumili nang pizza, kaya habang kumakain, naisip kong magpaka-cheesy kay Eugene. Tinext ko na namimiss ko na siya. Hindi na nga ako nagulat sa sagot, sabi "ang cheesy!!!". Sabi ko, kumakain kasi ako nang greenwhich pizza. Haha. Ang corny!!! And of course, the ever famous ice cream. Hay! Tag-bundat na talaga ito. Humanda ka gym sa sunday!!!


Actually, double celebration today kasi despedida na rin ni Daddy. Babalik na siya sa Papua New Guinea tomorrow. Kaya nag-videoke kaming buong gabi. Although humiwalay na si Daddy at nag-inuman na sa garahe with his beer friends (actually upto this very moment, ang ingay pa rin nila). Hehe. Nag-contest na lang kami nang kapatid ko sa kantahan. Paunahan sino mapaos. Hehe.


I am thankful to the Lord for giving me such great parents. They are not the most perfect, but I am still thankful that because of them, I am here in this world (sinwerte ang mundong ito). They two may have faced so many challenges as a couple and as parents, but I'm glad that we have kept this family strong and bonded. I enjoyed dad's vacation this year. Nag-bond kami sa pagpapa-ayos nang bahay.

Congratulations to my parents on your 31st anniversary. Hay! Ang swerte niyong dalawa at nagka-anak kayong ang panagalan ay TL. Hehe. Just kidding. I love you both!!!

No comments: