June 12, 2009

Guess What???

Naggising uli akong kaharap nang mukha ko ang laptop na buong araw naka-bukas at nakatulugan ko. Buti na lang at di pumasok si mamiko. Kundi sermon ako pagkagising ko. Hehe. Sayang sa kuryente nga naman. Bad trip! Bakit ba ako nakatulog sa pagpe-facebook. Hassle! Nakaka-adik na talaga ang FB.

Facebook ang huling nasilayan nang mata ko. Paggising ko, facebook pa din. Imbes na patayin, nag-facebook pa uli ako. Hehe. Pero na-realize ko after 30minutes na adiksyon na siya kaya pinatay ko na. 8:00pm na nang nag-decide akong pumunta nang gym at wala naman kasi akong lakad ngayon. Naka-alis na ako nang bahay nang 9:00pm. Ang bilis lang nang biyahe ko. 9:15pm, nasa gym na ako. And guess what???

SARADO ANG GYM!!!

Pakshet! Nakalimutan kong holiday hours lang pala sila ngayon. They closed nang 9:00pm. Bad trip! Sayang sa gas. So wala naman akong magawa, ala namang pabuksan ko ang gym para lang makapag-workout ako. Hehe. Kaya pumunta na lang ako nang Red Ribbon para bumili nang food at pasalubong sa kapatid ko. Pagka-order ko, guess what???

WALANG CASH YUNG WALLET KO!!!

Naiwan ko pala sa bulsa nang pantalong ginamit ko kagabi. Eh nasa house yung pantalon at naka-shorts lang ako kanina. Hassle!!! Salamat sa credit card at sinagip ako sa kahihiyan. Siyempre, ayoko namang ipa-cancel yung order. Shy ako. Saya saya di ba. Pabalik na ako sa car, bitbit ang malaking plastic nang ma-realize kong parang wala akong hawak na susi. Nagpanic ako. Wala sa bulsa ko. Wala sa plastic. Guess what???

NAKASABIT PALA SA ISANG DALIRI KO!!!

Lintek na malagkit! Kinabahan ako nang sobra. Na-mental block ako dun. Hassle the day. Umuwi na ako. Baka kung ano pang kamalasan ang mangyari sa akin. Bukas na lang ako babalik nang gym. Sana naman, hassle free na tomorrow. Nagtampo ata ang bansang pilipinas sa akin. Hindi ko daw kasi binigyang pugay ang araw nang kalayaan.


Happy Independence Day everyone!!!

No comments: