June 22, 2009

Long Live Buntot!


Nagwagi na naman si Ash. Siya lang ang bukod tanging nakikipaglaban para wag ipaputol ang aking buntot. Hehe. He has convinced me well kaya I was able to keep it during my last hair cut before my birthday party. Actually, I was ready to cut it na and have a different hairstyle pero natakot lang kami because it's a risk baka mamaya hindi maganda ang kalabasan, eh may party. Kaya I maintained the same style muna, just had some trim lang.

Sinamahan ako ni Ash sa Fix last friday. And finally, nakahanap na ako uli nang stylist sa katauhan ni Jeff, na alam kung ano ang gusto ko. In fairness, magaling siya. Kaya lang naman ako hindi makapagpalit nang stylist sa Fix dahil matagal na akong customer ni Nilo. Kaso, bago ako lumipat nang Toney and Jackey, hindi ko na nagugustuhan ang mga gupit ni Nilo sa akin. Kaya as politely as I can, umalis na lang ako nang tahimik para di magtampo.

Kaso nga, etong Toney & Jackey, inilipat sa Cebu yung favorite kong stylist kaya puro massacre stylists na ang pumalit. Simula nun, hindi na ako nakahanap nang gusto kong stylist. Bumalik na naman ako sa pagkakataong ako na lang uli ang naggugupit sa sarili ko just to get what I want. Yes! I do that. Before, siguro mga 1 year and a half, ako lang gumugupit sa sarili ko (pati sa buhok nang ex ko, hehe). Pero nung nag-iba nang hair style, kinailangan ko na nang professional.

But I'm glad that thru Ash eh na-meet ko si Jeff, although awkward lang kasi same Fix salon where Nilo is, hindi ko na lang pinansin just for the sake of my hair's future (may ganun?). Yesterday, before going to work, binagyo na naman utak ko at naisipan kong mag-trim uli for a change. May gusto kasing hairstyle si Eugene for me that he said that night kaya parang na-convince akong sundin. Hehe. Lakas tama talaga siya sa akin. Sinunod ko ang gusto. Hehe.

But of course, the buntot will still remain. Hehe. Panatang makabayan ko yan. Hangga't di ako napo-promote o hangga't single ako, hindi ko puputulin ang buntot. Maghuramintado man si Raech sa pag-ayaw sa buntot ko, hindi ko muna tatanggalin yan. Hehe. Hanggang sa dumating ang tamang dahilan para tanggalin ko na siya. When? I don't know...

No comments: