June 4, 2009
The Many Names of TL
Okay. I am just in the mood right now to answer this question that I have been receiving ever since I started this blog: What's the meaning of TL???
Noong una kasi, parang sumasagot mag-isa yung utak ko nang "pakialam niyo ba, eh blog ko ito" habang binabasa ko ang paulit ulit na tanong na yan. Madali lang naman i-explian pero ewan ko ba, tamad na tamad akong gawin. Kasi di ko naman inexpect na may mga taong magtatanong. Akala ko sa blog dati, parang dyaryo lang na babasahin mo. Hindi pala. Hehe.
Anyways, TL means Tunay na Lalake (aminin mo, nag-react ka!!!). Hehe. Seriously, TL means Team Leader. Yan kasi ang tawag sa akin nang mga agents ko. Sa work kasi, in layman's term, I'm a Team Leader. In a corporate definition, Assistant Manager for Operations. I have one assistant and 19 agents. And because of the title, napalitan ang pangalan ko at forever na akong naging TL sa paningin nila. TL doon, TL dito, TL anywhere. Kaya ayun, the crazy life of TL.
Akala ko dati, sign of respect lang, pag nasa work lang. Aba! Hindi! Kahit nasa labas na nang office, TL pa rin ang pangalan ko. Pag pinapakilala sa ibang tao, sa family nila, or kahit kanino, TL ang introduce sa akin. Tuluyan nang naglaho talaga ang mahaba kong pangalan. Hehe. I guess nakaka-relate sa akin ang sino mang reader/follower na TL din. Hehe.
But actually, TL has so many names. Andiyan ang mahaba kong pangalan na Alexander James Von Marco. Ang tawag sa akin sa bahay nang aking pamilya ay Bong. Ang tawag sa akin nang kapatid ko ay Kuya. Ang tawag sa akin nang mga kababata ko sa village ay Bonggie. Ang tawag sa akin sa church ay Brad. Ang tawag sa akin nang schoolmates ko ay Marco. Ang tawag sa akin ni mamiko pag nagagalit siya sa akin ay Marko. Yung matigas na "K". Hehe.
Ang tawag sa akin nang mga ka-opisina kong TL din ay James. Ang tawag sa akin nang mga kaibigan ko pag inaasar nila ako ay Hayme (tagalog nang James). Ang tawag sa akin nang ex ko at nang buong angkan niya ay Bebe. Ang tawag sa akin nang isang ex ko ay Hon. Yung isa naman ay Boo. Ang tawag sa akin nang mga kapatid ni Hazel ay Sir James. At ang tawag sa akin ni Benz ay Marc. Hassle!!! Hehe.
Pero alam niyo ba kung ano ang tawag ko sa sarili ko? Ano ang meaning nang TL sa akin? True Lover (o sige, mag-react ka!!! bahala ka!!!). Totoo kaya yan. Hmpf!!!
I hope this finally answers your question. Funnee how some people actually defined it like Tag Libog (di kaya), Tili Ling (minsan meron), The Loner (loner ba ako?), Totoong Lapitin (nang aso), Taga Laba (di nga ako marunong) at Totoy Loma (haha, ano ito, Totoy Mola na kabaliktaran?). Sobrang funnee. Hehe.
Out of these many names that TL has, I remain to be one true person to my readers. It's the one you have known from November up to present. The one who writes his soul. The one who always believes in love. The one who is optimistic with everything in life. The one who has full of hopes. And the one who wishes goodness to everybody....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment