January 2, 2009

New Heaven for Angel

Nagising ako nang hapon. May ingay sa may gate. May mga dumating kaming bisita from Novaliches. Some relatives. Next thing that happened, pinipilit na ako ni mamiko sa room na mag-drive at pupunta daw nang BF homes. Pupuntahan daw ang tita ko, bagong lipat.

Siyempre, napilitan ako. Ayokong umalis dahil na-set ko na sa utak kong magpapahinga lang ako the whole day. Pero dahil ayokong magtampo si mamiko, bumangon na ako at naligo. Hay! I did everything para umiwas sa bisita. Ewan ko ba, ilag talaga ako sa mga kamag-anak namin for some reasons.

Tita Angel is my closest tita in the whole wide world. Sobrang kalog kasi. Ang sarap kasama at kakwentuhan. Kung gaano siya kaingay, ganun katahimik ang asawa niya at dalawang anak. Kulet. And tita is my number one fan when it comes to singing. Sobrang bilib siya sa akin. Ewan ko ba. Tuwing pinapupunta niya ako sa house niya, kailangan kakanta ako. Siyempre, si kanta naman si TL. Alam niyo kung bakit? Kasi pag kumanta ako, bibigyan niya ako nang pera. Ganun lang! Galante siya eh. Hehe.

Nakalipat na sila from BF Casimiro to BF United two weeks ago. Nabili na kasi yung house nila doon. At least, mas malapit. At ang catch, yung bagong house nila is just a few houses from my good friend's house: RAECH. Sobrang weird and funny. I never thought that this could be possible. Nag-offer pa nga si tita na doon na ako tumira. Ganun din ang sabi ni Raech. Hala! Thinking that whenever I visit any of them, I will get a chance to visit the other one. Galing! Siyempre, tuwang tuwa si Raech when I told her thru text.


Ang laki nang house compare sa dati nilang tinitirhan. And to think na tatlo lang sila dahil si tito, nagbabarko. Ang ganda nang house. Although medyo bare pa kasi next week pa idi-deliver yung mga inorder at pinagawa nilang gamit. Brand new items lahat. Sosyal talaga ang tita ko. So I took a shot of their sala na bare na bare pa.


After dinner, kuwentuhan lang. And some future plans were discussed (which I cannot tell pa now). Ang saya. Sobrang kalog talaga nang tita ko. Babaeng bakla. At bago umalis, siyempre namigay nang gifts. Wala daw munang cash ngayon, sa house blessing na. Binigyan niya ako nang pabango. Basta pag nakikita niya ako, bumubuhos ang biyaya sa akin. She always tell anyone that I am her favorite. And she is mine as well.

Ayaw kami pauwiin ni mamiko. Gusto doon matulog. I even volunteered mamiko to stay (hehe) but she refused. Wala kasi siyang dalang gamit (ang arte). But she promised that she will be back tomorrow. Ayan, may hatid tuloy ako kinabukasan.

Mapapadalas na ako sa BF. For tita and Raech. This will be fun. I hope that someday, I can tell my tita my little secret, and I can bring nathan there so she can meet him. I wonder what will be her reaction. Magulat nga nang bonggang bongga soon... Hehe.

No comments: